Paglalagay sa lalawigan ng Albay sa GCQ, tinutulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

April 30, 2020, 12:56PM

Nangangamba ang opisyal ng Diyosesis ng Legazpi, Albay sa posibleng pagsasailalim sa General Community Quarantine ng lalawigan simula sa Mayo.

Ayon kay Fr. Rex Paul Arjona, diocesan Social action director ng Legazpi, bagama’t mas mapapaluwag na ang mga panuntunan ay naniniwala siyang masyado pang maaga na tanggalin ang lalawigan mula sa Enhanced Community Quarantine o mas mahigpit na lock down policy.

“Ang reaksyon ng marami ay huwag muna, premature pa. So we requested actually some of our, all of our LGU’s nagrequest na kung pwede i-extend pa kami until May 15 sa ECQ,” ayon kay Fr. Arjona.

Dagdag pa ng pari, ilang lungsod din sa lalawigan ang hindi sang-ayon sa pagtatanggal ng ECQ sa halip ay iminumungkahi na palawigin ito ng hanggang sa ika-15 ng Mayo.

Sa Albay, naitala ang 30 kaso ng novel coronavirus kung saan apat na lamang ang nanatiling aktibo o hindi pa gumagaling.

Paliwanag ng pari, bagamat marami ang nakakaranas ng kahirapan dulot ng ECQ ay nakaka-alarma naman ang kaso ng community transmission lalut dalawa sa panibagong kaso ng nahawa sa sakit ay walang travel history at pawang mga frontliners.

Sa ilalim ng GCQ, bibigyang pahintulot ang pagbubukas ng ilang mga negosyo, pampublikong transportasyon at ang pagpapaluwag sa mga panuntunan kabilang na ang paglabas ng mga residente mula sa kanilang tahanan.

Ang lalawigan ng Albay ay binubuo ng 15 munisipalidad at tatlong lungsod na may kabuuang populasyon na 1.5-milyong mamamayan.

KARAGDAGANG TULONG SA MGA RESIDENTE

Tiniyak naman ng pari na nagampanan ng simbahan ang pagtulong sa mga residenteng apektado ng umiral na community quarantine, bagama’t patuloy pa rin ang pangangailangan ng tulong.

Ayon kay Fr. Arjona, aktibo ang 47 parokya ng Legazpi sa kani-kanilang relief efforts na base sa pinakahuling ulat ay nakapagpaabot ng tulong sa 17-libong pamilya.

“Hindi naman kasi ang evangelization natin ay nasa liturgy, nasa praying tsaka teaching. Nandito rin naman tayo sa serving. Yung works of charity natin, pwede na ring work of justice kasi social justice issue hindi lamang magkaroon ng ang karampatang health care kundi ang maka-survive ka na may dignidad lalu na sa panahon na ito,” paliwanag ni Fr. Arjona.

Sinabi ng Pari na ang pondo ay mula sa Year round Alay Kapwa, pondo ng parokya, Social Action Center maging mga donasyon mula sa mga pribadong kompanya at indibidwal.
“Ang ating specific na dapat gawin ay to compliment the work of the government at to fill-in the gaps ng public service,” ayon pa sa pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 54,955 total reads

 54,955 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 77,513 total reads

 77,513 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 158,168 total reads

 158,168 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 259,895 total reads

 259,895 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 294,857 total reads

 294,857 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top