Pagpahayag ng pananampalataya, hindi mapipigilan ng lockdown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 471 total views

Hindi mapipigilan ng malawak na epekto ng pandemya ang pagpapahayag ng pananampalataya sa Panginoon ng mga Katoliko lalo na ngayong Semana Santa.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa muling pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine ng mga syudad sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril na nataon pa sa paggunita sa Semana Santa mula Lunes Santo hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakalulungkot na sa pangalawang pagkakataon ay muling gugunitain ang Mahal na Araw ng wala ang presensya ng mga mananampalataya sa mga gawaing pansimbahan dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ.

Bagamat nanghihinayang ay binigyang diin ni Bishop Pabillo sa kanyang Healing Mass sa Veritas para sa Linggo ng Palaspas na sa halip na magpadala sa lungkot ay mas higit na dapat na planuhin ng bawat isa kung paano higit na makakapagpahayag ng pananampalataya at masasamahan si Hesus sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay bilang pagtupad sa pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan.

“With our celebration this Sunday we open the Holy Week. Nakakalungkot na ngayong taon, tulad ng last year, kakaiba pa rin ang pagdiriwang natin ng Semana Santa dahil sa pandemia. But the covid virus cannot prevent us from getting in touch with the Lord in a deeper way and in worshipping him these days. Kaya sa halip na malungkot lang, mas planuhin natin kung paano tayo makalapit sa Panginoon sa mga araw na ito kahit na we are limited by the lockdown.” pahayag ni Bishop Pabillo sa kanyang misa para sa Linggo ng Palaspas sa Radio Veritas Chapel.

Naniniwala naman ang Obispo na bagamat marami ang negatibong maaapektuhan ng muling implementasyon ng ECQ ay isa ring itong pagkakataon sa lahat upang higit na makapagnilay at mapalalim ang pananampalataya.

“The lockdown can help us build up our convictions. Kaya nga sabi ni San Pablo: All things work out for the good, for those who love God. Kahit na ang Semana Santa sa panahon ng lockdown ay may kabutihan ding dinadala.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa ilalim ng muling pagpapatupad ng ECQ sa mga lugar na nasa NCR Plus Bubble mula ika-29 ng Marso hanggang ika-apat ng Abril ay hindi na muli pinahihintulutan ang pagsasagawa ng religious gatherings.

Muli ring ipinagbabawal ang paglabas ng mga matatanda, bata, nagdadalang tao at mga may karamdaman kung saan pinahaba rin ang implementasyon ng curfew mula alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.

Batay sa tala ng Department of Health umaabot na sa 712,443 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 118,122 ang kasalukuyang active cases.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 62,609 total views

 62,609 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 62,609 total views

 62,609 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 62,609 total views

 62,609 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 60,684 total views

 60,684 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 55,411 total views

 55,411 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top