349 total views
Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang administrasyong Duterte na nagpatupad ng mga alintuntuning kapakipakinabang sa Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP Migrants Ministry, ilan sa mga ilegal na gawain na nagapahirap sa mga OFW ang binigyang solusyon ng pamahalaan.
“We are grateful and appreciate what the present Administration did to our OFWs especially eradication of evil practice of “tanim bala” and of the unjust terminal fee of 550 pesos which our OFWs are exempted, non-taxation on balikbayan boxes,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Matatandaang 2015 naging malaking usapin sa bansa at maging sa international community ang modus operandi na ‘laglag bala’ na kinasasangkutan ng ilang kawani ng Ninoy Aquino International Airport kung saan ang mga nahuhulihan ng bala sa kanilang mga bagahe ay mahaharap sa kaso at kinakailangang magbayad ng multa.
Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa nalalapit na huling State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
Bukod pa rito, kinilala rin ni Bishop Santos ang inisyatibo ng pamahalaan na tulungan ang mga OFW na naiipit sa kaguluhan sa ibayong dagat sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyong legal at pagsusulong sa katarungan ng bawat migrante.
“Those stranded OFWs because of regional or civil wars, pandemic are repatriated. Those who have been victimised are defended and justice served to their abusers,” ani Bishop Santos.
Kabilang sa binibigyang prayoridad ng administrasyong Duterte ngayong pandemya ang repatriation ng mahigit 600,000 OFW mula noong Mayo 2020 habang hinihintay pa ang karagdagang mahigit 100, 000 na paparating sa bansa.
Dahil sa mga safety protocol na ipinatupad ay isinailalim sa quarantine, ang mga umuwing OFW na nakinabang sa libreng quarantine facilities sa mga hotel sa pakikipagtulungan ng pamahalaan.
Umaasa ang opisyal na palalawigin pa ng mga susunod na lider ng bansa ang pagpapatupad ng mga batas sa kapakinabangan ng mga OFW bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
“We hope and pray that the government plans to appeal for cancellation of Kefala and creation of Department of OFWs will continue and will be a reality,” ayon kay Bishop Santos.