Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Kapanalig, huling taon na ito ng kasalukuyang administrasyon. Kaya naman, hindi mapipigilan ang pagbabalik-tanaw ng maraming Filipino sa mga pangakong binitiwan ng pangulo sa bayan. Marami ang umaasa na mas maraming pangako ang matutupad lalo pa’t ilang buwan na lamang at eleksyon na.

Isa na rito ay ang mga naiiwan pang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng gobyerno.

Ang Build Build Build ay ang flagship program ng pamahalaan na binubuo ng mga libo-libong mga infrastructure projects sa buong bansa, gaya ng mga kalye at highways, farm-to-market roads, airports, seaports, terminals, evacuation centres, lighthouses, mga hospitals, paaralan at iba pa. Ang budget para dito ay ang pinakamalaking budget para sa imprastraktura ng bansa.

Ang ganitong programa ay isang mainam na paraan upang mapa-bilis ang ating pag-unlad. Ayon nga sa Asian Development Bank, ang pagtutulay o pagdidikit ng siwang ng imprastruktura sa ating bansa ay isa sa mga susi sa recovery ng ating bayan. Kailangang-kailangan na ito ng ating bansa, kahit pa man bago pa magpademya. Ayon sa isang pag-aaral mula sa International Monetary Fund, outdated na at kulang na rin ang marami sa ating mga imprastruktura. Makikita naman natin ito sa mga lansangan nating nag-uumapaw sa sasakyan o di kaya sa mga lumang pantalan.

Kaya nga umaasa tayo na magiging matagumpay ang Build, Build, Build. Sa gitna ng mga EJKs, korapsyon, at pandemya, ang tagumpay ng programang ito ay isa sanang silver lining sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan. Pag natapos kasi ang mga proyektong ito, malaking benepisyo ang mararamdaman ng mga ordinaryong mamayan. Kaya lamang, sa ngayon, tila moving o gumagalaw lagi ang targets ng Build, Build, Build. Ayon sa opisyal na datos, pitong flagship projects na ang kumpleto, at ayon sa bagong listahan, may 112 na nakalinyang infrastructure flagship projects. Apat dito ay tapos na, 29 ang matatapos ngayong 2021 at 2022. Ang natitira ay matatapos mula sa taong 2023.

Pangarap natin ang magkaroon ng makabuluhang imprastruktura para sa lahat, kaya ang mga proyektong tulad nito ay hindi lamang dapat sinusuportahan, kundi binabantayan rin. Kailangan natin isiguro na ang estado, ayon nga sa Evangelii Gaudium, ay tunay na sinusulong ang kabutihan ng lahat. Malaki ang budget ng Build, Build, Build – budget na mula sa buwis ng tao. Ang tagumpay ng programang ito ay nangangahuluhan na kahit man lang sa isang aspeto ng pamamahala, may ganansyang matatanggap ang nakakarami sa ilalim ng rehimeng ito.  Kaya’t sana, bago pa matapos ang kanilang termino, marami pang mga imprastraktura ang matapos nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,469 total reads

 1,469 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,864 total reads

 39,864 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,135 total reads

 266,135 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,600 total reads

 159,600 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,546 total reads

 253,546 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 1,470 total reads

 1,470 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,865 total reads

 39,865 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,137 total reads

 266,136 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,601 total reads

 159,601 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top