267 total views
Ikinatuwa ni Fr. Sean McDonagh SSC, guest speaker ng Laudato Si forum na inorganisa ng Global Catholic Climate Movement – Pilipinas at Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila, ang pagdalo ng maraming kabataan sa naturang pagtitipon.
Ayon sa Pari, nais nitong makatulong sa pagbibigay ng maayos na direksyon sa buhay ng mga kabataan upang mapangalagaan nitong mabuti ang kalikasan.
Binigyang diin rin niya na ang mga kabataan ang susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan kung mapangangalagaan nito ng maayos ang kapaligiran.
“I’d like to give directions to their life. This is a way of living and it’s something that will affect the world for future generation because it’s very important on this notion of inter-generational justice that we have obligations to look after how well it’s there, for future generations to enjoy how well I’ve enjoyed it,” pahayag ni Fr. McDonagh sa Radyo Veritas.
Ang forum ay dinaluhan ng mga green group at daan-daang kabataan na pinangunahan ni Fr. Macdonagh noong Sabado, ika-22 ng Oktubre, sa Espiritu Santo Parochial School.
Si Fr. Sean McDonagh ay isang Irish Columban Priest at Eco – Theologian na sya ring consultant ni Pope Francis sa pinaka bago nitong encyclical na Laudato Si.