VeritasPH

The Word, The Truth

Pagpapaigting ng proteksyon para sa mga bata

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Mga Kapanalig, mayroon tayong dalawang magandang balita para sa mga bata!

Ipinasa kamakailan ng Kamara ang dalawang panukalang batas na magpapaigting ng proteksyon para sa mga batang Pilipino. Ang mga ito ay ang pagbabawal sa pagpapakasal ng mga bata o child marriage at ang pagtataas sa edad ng statutory rape. Naghihintay na lamang ang mga panukalang batas na ito ng pirma ng pangulo.

Nauna nang ipinasá sa ikatlo at huling pagbasa ang Ending Child Marriage Bill. Ayon sa United Nations Children’s Fund (o UNICEF), pangsampu ang Pilipinas sa buong mundo sa may pinakamaraming bilang ng mga batang ikinakasal. Karaniwang ipinapakasal ang mga bata dahil sa kahirapan o kaya ay upang protektahan ang dangal ng kanilang pamilya at maiwasan ang kahihiyan. Ngunit dahil dito, maaga ring nagbubuntis ang mga batang babae, at mapanganib ito sa kanilang kalusugan. Mataas rin ang posibilidad na tumigil sila sa pag-aaral, at sa hinaharap ay mas mahirapan silang makakuha ng trabaho o kaya naman ay manatili sa trabahong mababa ang sahod. Malaki rin ang banta sa kanila ng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases at ng pagiging biktima ng karahasan at pang-aabuso. Napakatindi ng mga negatibong epekto ng child marriage sa kalusugan at pag-unlad ng mga batang babae, at sa panlipunang estado ng kababaihan sa pangkabuuan.

Ang End Child Rape Bill o ang panukalang batas na nagtataas sa edad ng pagturing sa statutory rape mula 12 sa 16 na taon ay pumasa na rin sa ikatlo at huling pagbasa. Isa rin ito sa matagal nang isinusulong ng mga child rights advocates upang palakasin ang proteksyon ng mga bata laban sa pang-aabuso. Maliban sa hindi na kinakailangan pang paulit-ulit na ikuwento sa korte ng mga batang edad 13 hanggang 15 taong gulang ang ginawa sa kanilang pang-aabuso, nagbibigay rin ito ng pantay na proteksyon sa mga batang babae at lalaki na kapwa nakaranas ng sekswal na pang-aabuso. Isa rin sa mga probisyon ng batas na ito ay ang close in age exception na maaaring nakakalito para sa ilan sa atin, maging sa isang senador na mariing tinutulan ang panukalang batas dahil dito. Ang statutory rape ay proteksyon sa mga bata laban sa pagsasamantala ng mga matatanda. Samantala, ang close in age exemption na tatlong taon ay nagbibigay-proteksyon sa mga teenagers upang hindi sila ituring na kriminal kung sila ay magkaroon ng sekswal na relasyon na consensual (o kapwa nilang ginusto), non-abusive (o hindi abusado), at non-exploitative (o hindi mapagsamantala). Hindi natin sinusuportahan ang ganitong relasyon, ngunit hindi rin dapat ituring na kriminal ang mga batang ito.

Ang dalawang batas na ito ay naglalayong paigtingin ang proteksyon laban sa pang-aabuso sa mga bata sa porma ng statutory rape o panggagahasa at ng child marriage o maaagang pagpapakasal. Maging sa loob ng ating Santa Iglesia ay mariin itong kinukondena ni Pope Francis. Kamakailan ay sinabi ng Santo Papa na lubha siyang nalulungkot at nasasaktan para sa trauma na pinagdaanan ng mga biktima ng pang-aabuso. Aniya, lubhang nakakahiya kung walang gagawin ang Simbahan ukol dito. Dahil ang pang-aabuso sa mga bata ay maaaring mangyari sa anumang konteksto, kinakailangan ng mas malakas na batas upang sila ay bigyang-proteksyon.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Awit 127:3, ang mga bata ay kaloob sa atin ng Diyos. At dahil sila ay pagpapapala sa atin, kailangan natin silang alagaan at protektahan. Ang pagsasabatas ng mga patakaran upang paigtingin ang proteksyon para sa mga bata, anuman ang kanilang kasarian o estado sa buhay, ay nagpapakita ng pagturing natin sa kanila bilang mga biyaya ng Diyos. Ito ay responsibilidad natin bilang mga Pilipino at Kristiyano.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,387 total views

 7,387 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,372 total views

 15,372 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,908 total views

 22,908 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,894 total views

 38,894 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,938 total views

 46,938 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 7,388 total views

 7,388 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 15,373 total views

 15,373 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 22,909 total views

 22,909 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 38,895 total views

 38,895 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 46,939 total views

 46,939 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,640 total views

 45,640 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,065 total views

 44,065 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,851 total views

 45,851 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,776 total views

 42,776 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,090 total views

 57,090 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,780 total views

 60,780 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,383 total views

 59,383 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,370 total views

 69,370 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,338 total views

 73,338 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,225 total views

 84,225 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top