9,774 total views
Palalakasin ng Clergy for Good Governance ang kampanya sa Social Media at iba pang online platforms upang mapapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa wastong paggamit sa kaban ng bayan.
Inihayag ni Running Priest Father Robert Reyes na layon ng kanilang kampanya na maabot ang mga kabataan at iba’t-ibang sektor sa lipunan.
Target audience ng CGG ang pinakamahihirap na sektor ng lipunan na kadalasang biktima ng mga fake ndews at mga online trolls.
“Pati ang urban poor, rural poor may cellphone sila lahat, hindi nagbabasa ng dyaryo, hindi nakikinig ng radyo pero lahat yon cellphone, kaya kung as you grow older in life, hindi kami masyadong masyadong nakatingin sa cellphone pero ang urban poor, ang rural poor, ang kabataan, yung dalawang sektor na yon, doon sila nakababad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes
Magiging katulong naman ng Clergy for Good Governance si Former Department of Finance Undersecretary at University of the Philippines College of Economics Associate Proffesor Cielo Magno.
Ito ay dahil isa si Magno sa mga umuusbong na influencers sa Social Media partikular na sa Tiktok at Youtube platforms dahil kaniyang ibinabahagi sa mga ito ang mahahalagang impormasyon, dayalogo at balita hinggil sa ekonomiya o iba pang paksa sa Pilipinas.
“Pero ang malinaw na panawagan dito ay yung responsible spreading ng tamang impormasyon kaya hinihikayat ko po tayong lahat kasi parang market din ang social media, kung hahayaan natin na mas marami ang nagpapakalat ng maling impormasyon, sila po yung mangingibaw, pero kung marami tayo na naglalagay ng tamang impormasyon sa social media atleast my option yung mga kababayan natin na makarinig na iba pang impormasyon,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cielo Magno.
Sinabi ni Magno na upang makatulong sa hangarin ng CGG ay sinimulan niya ang samahan ng mga influencers na ‘Pilipinas Kita’ o Phil-kita na nagbabahagi sa social media ng totoong impormasyon na nakabatay sa mga pag-aaral, pagsasaliksik at mula sa mga mapagkakatiwalaang resources.