7,885 total views
Umaapela ang Alyansa Tigil Mina sa mga kinauukulan sa agarang pagpapalaya kay Magsasaka Partylist nominee Lejun dela Cruz.
Kilala si Dela Cruz bilang lider ng mga manggagawa at magsasaka, tagapagtanggol ng mga nasa laylayan at karapatang pantao, kabilang ang pagtutol sa mapaminsalang malawakang pagmimina.
Gayunman, si Dela Cruz ay sinasabing biktima ng tangkang pagpaslang at pisikal na pananakit ng ilang kawani ng Philippine National Police (PNP).
Mariing kinondena ng ATM ang insidenteng ito at iginiit na ang kalupitang dinanas ni dela Cruz sa mga pulis ay bahagi ng sistematikong pang-aabuso ng estado na pigilan at hadlangan ang karapatan at kalayaan ng mamamayan.
“Lejun is a dedicated organizer and leader of marginalized groups, who has been recently a target of state violence and fabricated charges. The brutality he suffered under the hands of police agents is part of a pattern of systemic abuses by the state, which is bent on suppressing the hard-earned human rights and freedoms of political activists,” pahayag ng ATM.
Nanawagan din ang ATM ng pananagutan mula sa mga sangkot sa tangkang extrajudicial killing kay Dela Cruz at naghayag ng pakikiisa sa lahat ng grupong nagsusulong ng karapatang pantao para sa lahat.
Bukod dito, tiniyak ng grupo ang patuloy na paninindigan sa pagsusulong ng karapatang panlipunan para sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap at inaapi.
“Like Lejun and all human rights and environmental defenders, we remain committed in pursuing social justice towards a truly equitable and democratic Philippine society,” saad ng ATM.
Unang binigyang-diin sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panawagan sa mamamayan at mga may katungkulan sa pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang walang kabuluhang pakikitungo sa environmental defenders at mga katutubo.