BIR, pinuna ang voluntary tax payments ng social media influencers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,180 total reads

Binatikos ng isang mambabatas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon ng buwis mula sa mga social media influencers.

Nais ding malaman ni ACT Teachers Rep. France Castro, kung bakit hindi naipapatupd ng maayos ang pangongolekta ng buwis.

“Yung mga nababayarang content creators, are you monitoring if they are paying taxes to our government?” ayon kay Castro sa ginanap na pagdinig ng TriCom kaugnay sa fake news online.

Nilinaw ni Atty. Yves Gonzalez mula sa YouTube na hindi binabantayan ng kanilang platform kung nagbabayad ng buwis ang mga Filipino content creators.

“On the part of YouTube, we do not. And we believe the local internal revenue service are the ones who are monitoring that,” pahayag ni Gonzalez.

Gayunpaman, inamin ng mga opisyal ng BIR na umaasa sila sa self-reporting ng mga influencers dahil ang kanilang kita ay karaniwang nagmumula sa mga foreign payors.

“As stated by our colleague, we rely only on the voluntary declaration of the influencers in so far as their income because there will be great difficulty in monitoring the same considering that their income primarily comes from foreign income payors,” ayon kay BIR Atty. Tobias Gavin Arcilla.

Hindi nagustuhan ni Castro ang sagot ng BIR at tinanong kung bakit ang ahensya ay umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon sa halip na kumuha ng impormasyon mula sa mga social media platforms.

Paliwanag naman ni Arcilla na may mga limitasyon ang ahensya base sa mga umiiral na batas tungkol sa mga imbestigasyon sa buwis.

“Just to clarify, under existing tax laws, we cannot just investigate any taxpayer. As per existing tax laws, audits are done randomly or based on those who are classified as high risk. That is why we cannot just audit any taxpayer,” paliwanag ni Arcilla.

Ipinunto ni Castro na maaaring may mga kakulangan sa sistema ng buwis na dapat tugunan ng Kongreso.

“In aid of legislation, we have to review yung sinasabi ng ating BIR resource person, na wala sa kanilang mandate na ’yung talagang regular ba o random yung kanilang pag-investigate and monitoring,” dagdag pa ni Castro.

Pinuna naman ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang ‘Google’ kung bakit dapat bayaran ang mga vloggers, kaya’t naeengganyo ang marami na gumawa ng mga video’s kahit marami sa mga ito ay naglalaman ng mga hindi kaaya-ayang salita at nilalaman.

“Kasi I’m sure you will agree with me na maraming mga vloggers na para maka-generate ng mapansin, kaya nagmura. In fact, bastos eh. Di ba? “ ayon kay Barbers.

Sa datos ng YouTube, may 500 hours video ang ini-uupload sa Youtube kada minuto.(marian)

VP Sara at asawa, may 51-baril

 2,369 total reads

 2,369 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 4,430 total reads

 4,430 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 4,417 total reads

 4,417 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 15,903 total reads

 15,903 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 65,482 total reads

 65,482 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 87,572 total reads

 87,572 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 187,393 total reads

 187,393 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 219,814 total reads

 219,814 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 2,370 total reads

 2,370 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top