Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

The Church will never abandon celibacy, paninindigan ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,908 total views

Tiniyak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na mananatiling mahalagang disiplina sa mga lingkod ng simbahan ang celibacy.

Sa pastoral visit ng nuncio sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas 846, pinawi nito ang agam-agam ng ilang mananampalataya hinggil sa pag-apruba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Permanent Diaconate na pinangangambahang magiging daan para pahintulutang magkaroon ng asawa ang mga pari.

“The Church will never abandon celibacy; you should not be afraid of that because celibacy of the priesthood is absolutely integral to the church’s discipline,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown bagamat pinahihintulutan ang mga may asawa sa permanent diaconate hindi ito nangangahulugang magbabago ang pananaw at turo ng simbahan hinggil sa celibacy ng mga pari at binigyang diin na dadaan sa masusing proseso at konsultasyon sa mga maybahay ang mga may asawang nagnanais maglingkod sa simbahan bilang permanent deacon.

Paliwanag ng nuncio na ang permanent diaconate ay hindi bagong ideya kundi bahagi ito ng simbahang katolika at dumadaan din sa mga paghuhubog at mga pag-aaral ang sinumang nagnanais maging permanent deacon.

“Permanent Diaconate is not an innovation. It’s always part of the church’s life,” saad ng nuncio.

Matatandaang September 2023 nang aprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ng CBCP na magkaroon ng permanent diaconate sa Pilipinas habang nitong nagdaang 129th plenary assembly ng mga obispo ay inaprubahan ang Ratio for Permanent Deacon na magsisilbing gabay sa pagpapatupad nito sa bansa.

Kabilang sa isinasaad sa Ratio na hindi obligado ang simbahan o ang mga diyosesis na bigyan ng sahod ang mga permanent deacons kaya kabilang sa mga dapat isaalang-alang ng mga nagnanais maglingkod sa bokasyon ay ang pagiging economically stable na makasasapat suportahan ang sariling pangangailangan.

Sinabi naman ni Archbishop Brown na matapos maaprubahan ng CBCP ang Ratio ay ipapadala ito sa Vatican para sa pormal na pag-apruba ng santo papa.

“The bishops have approved the Ratio, so it’s going to Rome for the ‘Recognitio,’ giving a stamp approval to it, and then it will be implemented here in the Philippines. I would expect that the ‘Recognitio’ will come quickly,” ayon pa kay Archbishop Brown.

Kabilang sa mga gawain ng permanent deacon ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, homiliya sa mga banal na misa, paggawad ng sakramento ng binyag, pagdadala ng banal na komunyon sa mga may karamdaman, paggawad ng sakramento ng kasal (kung pahihintulutan ng obispo) at pakikinahagi sa mga kawanggawa at pastoral ministry ng kristiyanong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 16,017 total views

 16,017 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 83,505 total views

 83,505 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 104,570 total views

 104,570 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 127,202 total views

 127,202 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 163,768 total views

 163,768 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top