Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalit ng House leadership walang epekto sa legislative agenda ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

 471 total views

Walang epekto ang pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga isinusulong na legislative agenda ng Malacanang.

Ito ang pahayag ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano sa pagdaraos ng ilang mambabatas ng espesyal na sesyon sa labas ng Batasang Pambansa upang magluklok ng bagong Speaker of the House.

Ayon sa Pari, dahil sa parehong kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-aagawan sa posisyon na sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano ay walang magiging epekto sa mga isinusulong na legislative agenda ng administrasyong Duterte kung sinuman ang maupong House Speaker.

“As I see it, the change in leadership wouldn’t have much impact in the legislative agenda being pushed by Malacanang. Both Velasco and Cayetano are allies of the President anyway. Their loyalty is to the President. On that note, I believe nothing will change much.” pahayag ni Fr.Secillano sa panayam sa Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na maapektuhan ng pagbabago ng liderato ang alokasyon ng pondo at ang mga posisyon ng mga magbabatas sa kamara.

“It is in the allocation of funds that this change in leadership will have more impact. Supporters of Velasco will surely get the lion’s share of the budget. And of course, they will also get the juicy positions in the House.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Binigyang diin naman ng Pari na dapat maging mapagbantay ang mamamayan anuman ang mangyari sa usapin ng house speakership sa Kongreso

Iginiit ni Fr. Secillano, dapat na matiyak ng mamamayan na ang kapakanan ng taumbayan ang prayoridad ng mga halal na opisyal ng bayan lalo na at papa lapit na ang halalan kung saan muling mabibigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na pumili ng mga karapat dapat na opisyal na mamuno sa bansa.

“But what the public should pay attention to is the performance of their representatives. Are they committed to serve you? Do they support legislations that will benefit you? Are they spending the funds judiciously and conscientiously to benefit you? These are just some of the considerations that the public should bear in mind specially now that the election is less than two years away from happening.” ayon pa kay Fr. Secillano.

Ngayong araw magsidimula ang special session ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipinatawag ng Pangulong Duterte upang ipasa ang 2021 General Appropriations Act na nantala dahil sa agawan sa puesto ni Cayetano at Velasco.

Nauna ng binigyan diin ng Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” kung saan ang pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat sa dapat na mas inuuna at binibigyang halaga ng mga opisyal ng bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,239 total views

 73,239 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,234 total views

 105,234 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,026 total views

 150,026 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,976 total views

 172,976 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,374 total views

 188,374 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 503 total views

 503 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,569 total views

 11,569 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 504 total views

 504 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,447 total views

 60,447 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,037 total views

 38,037 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,976 total views

 44,976 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,431 total views

 54,431 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top