7 Corporal works of mercy, ipadama sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,296 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa mga mananamapalataya na alalahanin at ipanalangin ang kalagayan ng mga bilanggo sa bansa lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng kumisyon, ang nalalapit na paggunita ng Prison Awareness Week ay isang paalala sa bawat isa na bigyang pansin ang kapakanan ng mga bilanggo na nagsisik-sikan sa mga bilangguan.

“Mayroon po tayong Prison Awareness Week at ito po ay ipinapaalaala sa atin ang kahalagahan ng pangangalaga natin sa mga kapatid nating nasa piitan, mahalaga po yung sinabi ni Hesus “ako’y nasa bilangguan at dinalaw niyo ako”. Kaya makita po sana natin itong mga nasa bilangguan hindi bilang mga kapatid na nagkamali lang, tingnan natin sila bilang mga kapatid na mahal si Hesus, at kaya nga kahit na nasa pandemic po mas mahirap ang kanilang kalagayan kasi mas sikip na sikip sila doon at sana patuloy natin silang alalahanin…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, importante na mapaluwag ang mga bilangguan bukod sa pananalangin na umusad ang kaso ng mga bilanggo upang makalaya.

Bukod sa pananalangin, hinikayat rin ni Bishop Pabillo ang bawat isa na magpaabot ng tulong sa mga bilanggo tulad ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan kabilang na ang mga gamot at hygiene kits.

“Ngayon po ipagdarasal natin na yung mga kaso nila ay mapabilis, marami sa kanila ay pwede ng mapalaya at pangalawa po kung may maitutulong tayo sa kanila tulad ng pagpapadala ng mga hygiene kits, ng mga sabon man lang, ng mga pagkain. Makakabigay pa tayo ng paabot sa kanila para maramdaman naman nila na hindi sila nakakalimutan ng mga Kristyano…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa Pilipinas, itinakda ng Simbahang Katolika ang huling Linggo ng Oktubre bilang Prison Awareness Sunday upang mahimok ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang kapakanan at pagbabalik-loob mga bilanggo bilang bahagi ng 7 corporal works of mercy.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Layunin ng taunang paggunita ng Prison Awareness Week na pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,062 total reads

 67,062 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,748 total reads

 162,748 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,016 total reads

 207,016 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,125 total reads

 230,125 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,245 total reads

 302,245 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top