Pagpapasara ng Kapamilya Network: Babala at pagpapakita ng kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total views

May 7, 2020-1:10pm

Isang babala at pagpapakita ng kapangyarihan ang mensahe ng pansamantalang pagpapasara ng ABS-CBN ng pamahalaan.

Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, ito ay nagbabadya ng pagkontrol ng media.

“Gusto nilang magpadala ng message na ‘kami ay powerful at we can control you kaya mag-ingat kayo sa sasabihin nyo,’ so mawawala na ang ‘freedom of expression’ yung mga tao sana sa ibang mga networks natin ay hindi matakot dahi sa pangyayaring ito,” ayon kay Bishop Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, bagama’t ang hakbang ay hindi man patungong batas militar ay nagbibigay naman ito ng babala sa marami sa kapangyarihan laban sa mga kakalaban sa gobyerno.

Una na ring nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Radyo Veritas 846 bilang paninindigan sa kahalagayan ng ‘Kalayaan ng Pamamahayag’.

Ayon sa Obispo, hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang kakayahan laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Kabilang na ang pagpapaalis sa Pilipinas kay Australian Missionary Sr. Patricia Fox, at ang pagpapatalsik sa posisyon kay dating Supreme Court chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Kasi ang nakikita po natin, ginagamit ng gobyerno ang batas laban sa tao. Ang batas ay dapat na nandiyan para ipromote ang kalagayan ng bansa. Ngunit nakita po natin ang batas ay ginagamit laban sa kanilang kalaban,” ayon sa obispo.

Naniniwala din ang Obispo na sinadyang hindi palawigin ang prangkisa ng kompanya.

“At itong prangkisang ito ay matagal nang nakalaan and the congress is seating on it,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una rin inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang personal na galit sa himpilan noong nakalipas na halalang pampanguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 27,940 total views

 27,940 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 55,945 total views

 55,945 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 73,745 total views

 73,745 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 72,642 total views

 72,642 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 183,033 total views

 183,033 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top