Pagpapasara ng ABS-CBN; ‘Untimely and Disservice’ sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

May 7, 2020-11:07am

Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mahalaga ang gawain ng media sa pagpapalaganap ng mga impormasyon lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon sa obispo mahalaga ang sector ng komunikasyon upang labanan ang mga maling impormasyong ipinakakalat lalu sa social media gamit ang mga hindi mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon.

“Mass media is valuable source of information to our people, especially now with this COVID 19. It is very much needed, especially also now with proliferation of fake news, unreliable stories,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pansamantalang pagsara ng ABS-CBN bunsod ng pagkapaso ng prangkisa nito noong ika-4 ng Mayo.

Suportado ni Bishop Santos ang renewal ng prangkisa ng Kapamilya network sapagkat malaki ang naiambag nito sa lipunan sa larangan ng pagbabalita at paghahatid ng aliw sa mamamayan partikular ang mahigit sampung milyong OFW sa ibat ibang panig ng mundo.

“ABS-CBN has been very effective and efficient sources of information, dedicated and devoted for reliable and truthful news, stories and shows. Our OFWs are best informed, responsibly connected to their loved ones back homes,” giit ng obispo.

Dagdag pa ng Obispo, hindi napapanahon ang pagpapatigil sa operasyon ng network lalo’t nasa gitna ng krisis dahil maaring magdulot ng kawalan ng trabaho sa mahigit 11 libong manggagawa ng ABS-CBN.

Ikalima ng Mayo nang tuluyang mag sign off ang istasyon ganap na alas 7:52 ng gabi makaraang magpalabas ng Cease and Desist Order ang National Telecommunication Commission.

“It is untimely and disservice at this time of pandemic the cease and desist order given to ABS-CBN,” ayon pa sa obispo.

Binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang mga kawani ng NTC na maaring maharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corruption laws kung patuloy na mag-broadcast ang istasyon.

Sinabi ni Bishop Santos na sa panahong ito ng krisis dapat pairalin ang habag, awa at pag-uunawa bilang pakikiisa sa mga mamamayan partikular sa mga dukha na nagdurusa sa epekto ng COVID 19 pandemic.

“There are many things we have closed down, but we should not close our hearts for charity; our minds on reason and our hands on healing,” dagdag ni Bishop Santos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,156 total reads

 24,156 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,700 total reads

 44,700 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,768 total reads

 120,768 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,138 total reads

 206,138 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,874 total reads

 252,874 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,745 total reads

 300,745 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,587 total reads

 398,587 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top