221 total views
Ikinatuwa ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines president at Arsobispo Emerito ng Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz ang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga online na pasugalan sa bansa.
Ayon kay Archbishop Cruz lumalaganap ang mga pasugalan sa bansa na sa kanyang tantiya ay nasa 35 Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR branches sa bansa. Wala pa rito ang dumaraming bilang ng mga online gambling na pinapapamahalaan pa rin ng PAGCOR.
“Ako ay nagagalak naman na kahit paano napansin niya ang pagkalat ng PAGCOR online gambling sa Pilipinas. Sapagkat ang katotohonan niyan sa ating bansa ngayon merong 35 na PAGCOR institutions maliban pa sa online gambling which is practically napakahirap bilangin sapagkat marami sa online. Pero yung pinagmumulan ng online gambling na yan ay 35,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.
Tinutulan naman ni Archbishop Cruz ang naging pahayag ng bagong pangulo na ilalaan ang halos P30 bilyong pisong kita ng PAGCOR para sa pagpapa – ospital at pagpapagamot ng mga mahihirap.
Dagdag pa arsobispo na advocate anti – gambling na hindi pa rin maikakaila na bagaman “lesser evil” ay mula pa rin sa sugal ang ipangtutulong sa mga mahihirap.
“Napakahirap tanggapin na ang sugal ay gagamitin para tulungan ang maralita, ‘the end does not justify the means.’ Ang sugal ay sugal, at ang mga nagsusugal diyan ay huwag mong sabihin sa akin na mga santo, mga banal. Pagkatapos sinabi na ang kinita ng sugal ay gagamitin sa mabuting hangarin. Bagaman that is lesser evil but it is just the same that take away the negative impact of the government,” giit pa ng Arsobispo sa Veritas Patrol.
Batay naman sa datos ng AsiaBet.org umabot sa mahigit 40 ang lehitimong casino sa bansa na lisensyado ng PAGCOR.
Sa katuruan ng Simbahang Katolika napapabilang ang pagsusugal sa pitong nakamamatay na kasalanan dahil sa paghahangad ng salapi na mula sa maling pamamaraan.