Pagpapatigil ng DENR sa Kaliwa dam project, pinuri ng PNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,660 total reads

Ikinatuwa ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE) at katutubong grupo ang desisyon ng pamahalaan hinggil sa P12.2-billion China-funded Kaliwa Dam Project.

Ito ay ang pagpapatigil sa pagbibigay ng Environmental Compliance Certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources bilang pagpapahintulot sa kontrobersiyal na proyekto.

Ayon kay Kalikasan PNE National Coordinator Jon Bonifacio, isang tagumpay at magandang hakbang ang naging desisyon ng DENR sa matagal nang panawagang pagpapatigil sa nakapipinsalang proyekto.

Ang Kaliwa Dam ay itinatayo sa loob ng isang protected area sa General Nakar, Quezon na bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre.

“We continue our calls for the full stop to the dam’s construction, the cancellation of its onerous contract, and the junking of all future plans to build a large dam in any part of the Sierra Madre mountain range,” pahayag ni Bonifacio.

Ipinaliwanag ni Bonifacio na ang pagtatayo ng dam sa Sierra Madre ay malaking panganib sa natatangi at pinakakaingatang likas na yaman, at magpapaalis sa mga katutubong Dumagat na may karapatan at nangangalaga sa kanilang mga lupaing ninuno.

Tinukoy din ng opisyal na ang World Bank na mismo ang nagsabi na ang mega-dam project sa halip na makatulong ay magdudulot ng malaking pinsala hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa buhay ng mga tao lalo na sa panahon ng mga sakuna.

“Like other large dams, the Kaliwa Dam will disrupt the ecosystems of the Kaliwa-Kanan river, threaten the unique biodiversity of this area of the Sierra Madres, and also presents a hazard because of its proximity to two active faults, the Philippine Fault Zone and the Valley Fault System. It will also submerge huge tracts of the Dumagat people’s ancestral lands,” giit ni Bonifacio.

Magugunita nitong huling bahagi ng Setyembre nang manalasa ang Super Typhoon Karding sa Luzon, ngunit humina ang epekto nito makaraang dumaan sa Sierra Madre.

Iba’t ibang grupo kabilang na ang simbahan sa mga nananawagang pangalagaan ang 540-kilometrong bulubundukin ng Sierra Madre dahil ito ang nagsisilbing pananggalang sa malalakas na bagyong dumadaan sa bansa taon-taon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,008 total reads

 4,008 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,196 total reads

 11,196 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,541 total reads

 48,541 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,811 total reads

 274,811 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,278 total reads

 168,278 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,756 total reads

 261,756 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,650 total reads

 150,650 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top