Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpilay sa lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Mga Kapanalig, patuloy ang pangingibabaw ng karahasan sa ating bansa. Noong nakaraang Lunes, pinatay si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas habang dumadalo sa flag ceremony sa munisipyo. Kinabukasan, Martes, ang mayor naman ng General Tinio, Nueva Ecijia na si Mayor Ferdinand Bote ang pinaslang. Kagagaling lamang ng alkalde sa isang pulong nang biglang may lumapit sa kanyang kotse at pinagbabaril siya.

Dagdag sila sa listahan ng 15 local government officials—mga alkalde at bise alkalde—na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Iba-iba ang sinasabing dahilan sa likod ng mga pagpatay. Mayroong iniuugnay ang mga ito sa alitan sa pulitika. Nariyan din ang pagsasangkot sa kanila sa mga ilegal na gawain katulad ng pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, at ilan nga sa kanila ay tinaguriang “narco-politicians” at napabilang sa hindi pa rin isinasapublikong “narco list” ni Pangulong Duterte.

Ikinababahala ng League of Cities of the Philippines o LCP ang mga naganap na pagpatay sa mga mayor at vice-mayor. Nanawagan sila sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na sundin ang tamang prosesong pagbeberipika ng “narco list” at bigyan ng pagkakataon ang mga nasa listahan na ibigay ang kanilang panig. Samantala, humiling ng isang dayologo sa pangulo ang League of Municipalities of the Philippines o LMP upang pag-usapan ang listahan. Nanawagan din silang itigil na ang pagpatay sa mga alkalde, at pairalin ang batas sa halip na ang kapritso ng iilan. Kung may batayan ang pagkakasama ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga ilegal na gawain, ang korte raw ang tamang lugar upang paghainan ng reklamo at upang husgahan at patawan ang mga ito ng nararapat na parusa.
Kapanalig, hindi natin sinasabing malinis at walang kasalanan ang mga pinatay na opisyal, ngunit sa pagpatay sa kanila, nawalan sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili sa harap ng batas o panagutan ang kanilang kasalanan, kung mapatunayan. Higit sa lahat, nilabag ang kanilang karapatang mabuhay at ang kanilang dignidad na kaloob ng Diyos na siyang lumikha sa atin. Muli, naninindigan ang ating Simbahan na tanging ang Diyos lamang ang maaring bumawi sa buhay ng tao.

Pinahihina rin ng mga hindi nareresolbang pagpatay sa mga mayor at iba pang opisyal ang katatagan ng mga lokal na pamahalaan. Mahalaga sa ating Simbahan ang prinsipyo ng subsidiarity na kumikilala sa kakayanan ng mas maliliit na yunit ng lipunan—gaya ng lokal na pamahalaan—na tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Nalalabag ang prinsipyong ito kung patuloy na pinagbabantaan ang mga lider ng mga lokal na pamahalaan. Mas hindi katanggap-tanggap kung ang pagbabantang ito ay mula sa pambansang pamahalaang dapat na iginagalang ang mga nasa lokal na pamahalaan at isinusulong ang tamang pagganap nila sa kanilang tungkulin. Nakalulungkot na sa halip na idaan sa tamang proseso ng pag-iimbestiga at pagsasampa ng kaso, mukhang naging bisyo na ng mga lider natin ngayon, sa pangunguna ng pangulo, ang pagpapahiya sa mga lider gamit ang mga kaduda-dudang listahan o mga tsismis tungkol sa personal na buhay ng mga inaakusahan nila. Kaya hindi na tayo magtataka kung ang mga opisyal ng lokal na pamahalaang hindi kapartido ng pangulo o kaya nama’y nais sumalungat sa mga patakaran ng pangulo ay mananahimik na lamang dahil sa takot na mapapabilang sa narco-list o makatitikim ng pagpapahiya sa publiko.

Mga Kapanalig, para sa isang administrasyong nagsasabing panahon na upang palakasin ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng federalismo, kabalintunaang ito pa ang unang-unang pumipilay rito. Kung nais nating makamit ang tunay na kaunlaran, kailangang magkabalikat ang pambansa at lokal na pamahalaan—magkabalikat sa paggalang sa buhay at dignidad ng tao, sa pagsunod sa batas, at sa pagkilala sa kagalingan ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,123 total views

 2,123 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,096 total views

 8,096 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,851 total views

 13,851 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,114 total views

 21,114 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,099 total views

 29,099 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,124 total views

 2,124 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,097 total views

 8,097 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,852 total views

 13,852 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,115 total views

 21,115 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,100 total views

 29,100 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,155 total views

 35,155 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,159 total views

 47,159 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,201 total views

 55,201 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,758 total views

 46,758 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,183 total views

 45,183 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,969 total views

 46,969 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,894 total views

 43,894 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,208 total views

 58,208 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,898 total views

 61,898 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,501 total views

 60,501 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top