7,116 total views
Nagalak ang Atin Ito! West Philippine Sea Movement sa pagpili ng mga Pilipino sa mga pinunong ipaglalaban ang mga teritoryo ng Pilipinas at hindi hahayaang masakop ng mga mapagmalabis na banyaga.
Pinuri ni Rafaela David – Co-convenor ng Atin Ito! ang survey ng Social Weather Station na 78% ng mga botante sa midterm election sa May 12, 2025 ay iboboto ang mga kandidatong may paninindigan at ipaglalaban ang West Philippine sea sa pananakop ng China.
Ipinapakita din ng survey na nananatili ang pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino upang suportahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea na apektado ang pamumuhay dahil sa patuloy na pananakop ng China.
““Atin Ito calls on every Filipino: Do not vote for leaders who have betrayed our sovereignty. The fight for the West Philippine Sea is not just about wearing shirts or performative gestures—it demands real action, courage, and an unwavering stand against foreign aggression,” ayon sa mensahe ni David na ipinadala sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni David ang patuloy na paninindigan ng grupo na magkaroon ng civilian mission sa WPS upang makiisa at personal na makita ang kalagayan ng mga sundalo, mangingisda at WPS frontliners na patuloy na ginigipit ng China.
“This survey is proof that Filipinos reject traitorous leaders when it comes to our sovereignty. The overwhelming demand for leaders who will stand up against China is a direct result of the courageous efforts of citizens—our brave fisherfolk, frontliners, and the volunteers of Atin Ito’s civilian supply missions,” bahagi pa ng mensahe ni David na ipinadala sa Radio Veritas.
Unang nanindigan ang North Luzon Bishops ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa malayang paglalayag ng mga Pilipino sa WPS ng walang pangamba.