Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pagkalinga sa palaboy at dukha, tiniyak ng AJKC

SHARE THE TRUTH

 13,512 total views

Itinuturing ni Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD na biyaya ng Panginoon ang nagpapatuloy na misyon at layunin ng Arnold Janssen Kalinga Center na naitinatag 10-taon na ang nakakalipas.

Ayon sa Pari na siya ring President and Founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. (AJKC), naging posible ang pagsasakatuparan ng institusyon sa misyon nitong kalingain ang mga palaboy at dukha sa lansangan sa tulong at biyaya ng Panginoon.

Pagbabahagi ni Fr. Villanueva, mahalaga ang pananalangin para sa patuloy na paggabay at pag-agapay ng Panginoon sa misyon ng AJKC na maging daluyan ng habag, awa at biyaya ng Panginoon para sa mga nangangailangan.

Nagpapasalamat rin ang Pari sa patuloy na suporta ng iba’t ibang institusyon ng Simbahan kabilang na sa Radyo Veritas sa patuloy na ibinabahagi ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Center sa nakalipas na 10-taon.

“Lahat ito ay biyaya, Everything Is Grace katulad ng tema at sa biyayang ito nagiging biyaya din tayo sa iba, nagiging misyon tayo sa iba yung salitang abot-abot ang biyaya, inabot tayo, pilit tayong inabot ng Diyos pakipot tayo, aabutin pa rin tayo ng Diyos, abot din tayo sa iba kaya sa pag-abot sa iba yun yung pagmimisyon, so Ito yung sampung taon na ating pinasasalamatan sa Diyos at sa pagpapatuloy, patuloy ring mananalangin, patuloy aabot, patuloy aasa sa kanyang biyaya at salamat sa inyo sa Radio Veritas sa Inang Simbahan sa inspirasyon at suporta.” Bahagi ng pahayag ni FR. Villanueva sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ng Pari ang natatanging pangarap at panalangin ng Arnold Janssen Kalinga Center na maiangat ang buhay at maialis sa kalye ang bawat palaboy sa lansangan sa pamamagitan ng pagkalinga at pag-agapay para sa kanilang unti-unting pagbangon at pagbabagong buhay.

“Meron ng mga umaangat sa buhay at yung mga umaangat na dating nasa laylayan sila na yung kaagapay natin umaangat din sa kanilang kapwa na naroon pa sa laylayan, yun ang pangarap. It’s a vision, it’s a lifetime mission but then again ang panalangin ay ang hanggang may taong lansangan naroroon po ang Kalinga Foundation, Arnold Janssen Kalinga Foundation para mag-abot ng kalinga at paghilom sa dukha at sa mga biktima ng karahasan.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Bilang paghahanda para sa ika-10 anibersaryo ng Arnold Janssen Kalinga Center sa July 16, 2025 ay isang misa pasasalamat ang ipinagdiwang ni Fr. Villanueva kasama ang iba pang mga Pari mula sa Society of Divine Word (SVD) congregation at dinaluhan ng ilang donors, mission partners, at beneficiaries na tinutulungan na natulungan na ng AJKC sa loob ng nakalipas na 10-taon.
Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Fr. Villanueva upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan.

Misyon ng AJKC ang makapagkaloob sa mga palaboy o walang tahanan ng libreng pagkain at pagkakataon upang makapaligo at makapaglinis ng katawan bilang pagbibigay halaga sa dignidad ng pagkatao ng isang indibidwal.

Batay sa pinakahuling tala ng AJKC noong Disyembre ng nakalipas na taong 2024, umabot na sa 824,116 ang natulungan ng pasilidad bukod pa sa iba pang mga programa ng AJKC kabilang na ang pagkakaloob ng Alternative Learning System sa mga nais na makapagtapos ng pag-aaral at pagtulong sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng Project Paghilom na itinatag naman noong 2016 sa kasagsagan ng madugong War on Drugs ng adminisrasyong Duterte.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 15,131 total views

 15,131 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 26,109 total views

 26,109 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 59,560 total views

 59,560 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 79,910 total views

 79,910 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 91,329 total views

 91,329 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,226 total views

 8,226 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 8,850 total views

 8,850 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 13,329 total views

 13,329 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top