10,132 total views
Pinasalamatan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat ng volunteer’s ng lipunan na naglalaan ng panahon para paglingkuran ang kapwa.
Sa pagdiriwang ng Jubilee of the world of Volunteering binigyang diin ng santo papa na mahalagang papel sa pamayanan ang ginagampanan ng mga volunteers lalo ngayong mas binibigyang pansin ang sariling interes para kumita.
Sinabi ni Pope Francis na ang pagboluntaryo ay pagsasabuhay sa turo ng Panginoon na maglingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangang sektor.
“Volunteering is prophecy and a sign of hope, because it bears witness to the primacy of gratuitousness, solidarity and service to those most in need. I express my gratitude to those who are engaged in this field: thank you for offering your time and abilities; thank you for the closeness and tenderness with which you care for others, reawakening hope in them,” ayon kay Pope Francis.
Binanggit ng santo papa na sa kanyang pananatili sa Gemelli Hospital mula noong February 14 ay naranasan din nito ang pagkalinga at pag-aalaga ng mga medical professionals na karaniwang nagsasagawa ng volunteer at charity works sa lipunan upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga dukha.
Muling tiniyak ng lider ng isang bilyong katoliko sa mundo ang pakikilakbay sa mga may karamdaman at ang pananalangin para sa katatagan at kagalingan.
“I think of the many people who in various ways are close to the sick, and who are for them a sign of the Lord’s presence. We need this, the “miracle of tenderness” which accompanies those who are in adversity, bringing a little light into the night of pain,” dagdag ni Pope Francis.
Pinasalamatan ng santo papa ang lahat ng nagpaabot ng mensahe at nag-alay ng panalangin sa kanyang paggaling kasabay ng paanyayang makilahok sa mga gawain ngayong kuwaresma at sa nalalapit na Paschal Triduum na makatutulong mapalago ang espiritwalidad ng mananampalataya.