4,116 total views

Ang Mabuting Balita, 02 Marso 2024 – Lucas 15: 1-3, 11-32

PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”, At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayain; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya. “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”

————

Kung tayo ay nasa lugar ng panganay na anak, marahil ganito rin ang ating mararamdaman. Marahil, ang tingin niya, hindi makatarungan na ang kanyang kapatid na naglustay ng kanyang pamana (buhay pa ang kanyang Ama) ay bibigyan ng PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI. Ang pakiramdam na ito ay siya ring pakiramdam ng mga Pariseo at mga eskriba. Kung tunay na matuwid si Jesus, bakit niya binabati ang mga makasalanan at bakit siya nakikisalo sa kanila?

Kung ganito ang ating nararamdaman, kailangan nating alalahanin na inilalarawan ni Jesus ang ating Ama sa langit at ang kanyang pananabik na MAKABALIK TAYONG LAHAT SA KANYA sa huling araw. Kung tayo ay nabubuhay patungo sa buhay na walang hanggang kasama ang Ama, mabuti naman, dahil tayo ay nasa tamang landas. Salamat sa Diyos! Ngunit kapag naliwanagan ang mga makasalanan at nagpasya na tahakin ang tamang landas, sila ay matatawag na tunay na MGA BAYANI sapagkat napagtagumpayan nila ang demonyo na kamuntik nanalo. Kung tayo ay mga tunay na Kristiyano, tayo rin ay magiging masaya katulad ng Ama sa talinhaga na ang ating kapatid ay nakabalik sa ating Pamilya ng Diyos.

Panginoong Jesus, nawa’y sa pamamagitan ng aming mapagmahal na paraan, kami ay maging iyong instrumento sa pagbabalik ng mga makasalanan sa iyong pastulan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 6,266 total views

 6,266 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 23,679 total views

 23,679 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 38,323 total views

 38,323 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 52,550 total views

 52,550 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 68,045 total views

 68,045 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

MEANT TO BE

 63 total views

 63 total views Gospel Reading for June 20, 2025 – Matthew 6: 19-23 MEANT TO BE Jesus said to his disciples: “Do not store up for

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

SINCERITY

 665 total views

 665 total views Gospel Reading for June 19, 2025 – Matthew 6: 7-15 SINCERITY Jesus said to his disciples: “In praying, do not babble like the

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

IT BECOMES US

 1,538 total views

 1,538 total views Gospel Reading for June 18, 2025 – Matthew 6: 1-6; 16-18 IT BECOMES US Jesus said to his disciples: “Take care not to

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

POSITIVE

 2,062 total views

 2,062 total views Gospel Reading for June 17, 2025 – Matthew 5: 43-48 POSITIVE Jesus said to his disciples: “You have heard that it was said,

Read More »
Scroll to Top