Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangungusap ng Puso

SHARE THE TRUTH

 10,373 total views

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 2, 19 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Nakatutuwa itong ating wika. Mabulaklak na kahit hindi ka isang makata minsa’y di sinasadya ika’y nakakatha ng kahit maigsing tula.

Madalas ating mabasa sa mga panitikan at mapakinggan saan man kuwentuhan na tila baga itong puso ay nagsasalita gayong wala naman itong bibig. Mismo ang Panginoong Jesus noon ay nagsabi na “ano man ang bukambibig, siyang laman ng dibdib” (Mt.12:34 at Lk.6:45) upang ipakita ang pagkakadugtong ng puso at bibig tulad ng kaisahan nito sa ating kamay batay sa pagninilay kahapon.

Samakatwid, nangungusap nga itong ating puso. At iyan ang ibig kong pagnilayan ngayong ikalawang araw ng ating pagsisiyam para sa Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus. Ito ang sinasaad sa ating napakinggan ngayong araw na bahagi ng pangangaral ni Jesus sa mga tao mula sa kanyang sermon sa bundok.

“Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ngn napakaraming salita, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa man ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo’” (Mateo 6:7-9).

Photo by Designecologist on Pexels.com

Isa sa mga madalas na itanong sa akin ng mga mag-aaral dito sa Our Lady of Fatima University bilang kanilang chaplain ay alin daw ba ang dapat nilang pakinggan, sigaw ng puso o sigaw ng isipan?

Palagi kong tugon sa kanila ay ang pabirong paalala na unahin nilang pakinggan lagi ang sigaw ng kanilang mga magulang.

Pagkaraan ng ilang tawanan, saka ko binabalik sa kanila ang tanong sa ibang anyo naman: humihiyaw nga ba ang puso gayong ang pagtibok nito ay napakahina? Hindi kaya sa pakikipag-usap sa atin nitong ating puso, ang ibig nito ay taimtim na pakikinig dahil kung ito ay mangusap, madalas ay pabulong.

Larawan kuha ng may-akda, Atok, Benguet, 27 Disyembre 2024.

Mag-imagine tayo kunwari ay naroon tayo sa bundok sa sermon ni Jesus. Siguradong malakas ang tinig niya sa pangangaral ngunit sa aking pakiwari mayroong indayog ang kanyang pananalita na kung saan minsan-minsan marahil siya ay bumubulong katulad nitong sa pagtuturo niya kung paano tayo mananalangin. Mahigpit ang kanyang bilin na huwag tutularan mga Hentil na napakaraming sinasabi sa Diyos sa pakiwaring sila ay pakikinggan. Hindi natin kailangang maging maingay at daanin sa dami ng sinasabi ang Diyos bagkus higit na mainam ang pananahimik upang mapakinggan sinasabi sa atin ng Diyos. Sinabi na ni Jesus na alam ng Diyos ating pangangailangan bago pa man tayo dumulog sa kanya sa pagdarasal. Kaya tayo nagdarasal ay upang pakinggan kalooban ng Diyos.

Kaya gumagamit ng stethoscope mga duktor at nurse kasi nga mahina ang tinig ng puso natin. At yon ang unang kinakailangan sa pananalangin – katahimikan upang Diyos ay mapakinggan!

Kung ang puso man ay humihiyaw, marahil wala na tayong masyadong alitan at mga kaguluhan dahil tiyak ating maririnig at mapapakinggan bawat pintig ng puso na iisa ang sinasabi kungdi ang tayo ay magmahal nang tunay. Ito ang buod ng “Ama Namin” at lahat ng mga panalangin. Ang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat na ating tinutugunan ng pagmamahal sa ating kapwa dito sa lupang ibabaw lalo na sa pagpapatawad sa kanilang pagkakasala sa atin.

Sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, doon ay malinaw na inihahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat ngunit walang nakikinig dahil mas nahahalina ang marami sa malalakas at maiingay na tinig ng daigdig. Ito yung ikinalulungkot ni San Pablo sa mga taga-Corinto sa unang pagbasa ngayon dahil napakadali nilang nalinlang at napasunod sa mga kakaibang turo ng ibang nangangaral sa kanila. Katulad din natin ngayon na maraming nagpapaniwala at nahahalina sa mga kung anu-anong kaisipan ng mundo gaya ng new age at wokism at iba pang mga ideya na wala nang pakialam sa Diyos at moralidad gaya ng relativism na siyang sanhi ng paniniwala sa same sex marriage at abortion.

Larawan kuha ng may-akda sa Liputan, Meycauayan, Bulacan, 31 Disyembre 2022.

Imagine din natin na first time napakinggan ang panalanging “Ama Namin.” Malamang pabulong at marahang binigkas ni Jesus ang mga titik ng panalanging ito upang tumimo ng higit sa puso at kalooban ng mga tagapakinig.

Kakaibang kaisipan noon iyon sa mga Hudyo sapagkat ang Diyos sa pagkakaalam nila ay makapangyarihan at hindi maaabot doon sa langit. Ngunit kay Jesus, malapit ang Diyos tulad ng sino mang ama sa lupa. Isang personal at mapagmahal na parang tao ang Diyos na pinakilala ni Jesus sa kanila at maging sa atin ngayon kaya mas malamang ay malumanay na malumanay ang pagbigkas ni Jesus lalo ng “Ama naming nasa langit” dahil puno ng pagmamahal at pag-galang. Hindi ba noong una tayong ma-in love ay tahimik din tayo? Hindi natin pinagsasabi yung pers lab natin?

Ayon sa mga dalubhasa sa bibliya, mas mahaba ang tala ni San Mateo sa pagtuturo ni Jesus ng “Ama namin” kesa sa bersiyon ni San Lukas; layunin anila ni San Mateo na ituro ang ating disposisyon sa pananalangin habang si San Lukas naman ang tuon ay naroon sa laman ng ating dasal.

Sa madaling sabi, pagmamahal ang disposisyon nating dapat sa pananalangin di lamang ng “Ama namin” kungdi mismo sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa na siyang paghahayag ng ating ugnayan sa Diyos.

Ang Ama namin at lahat ng pananalangin ay paghahayag ng ugnayan kaya ang mga ito ay dinarama, nilalasap dahil ito ay isang karanasan na pinaninindigan at pinatutunayan sa mabubuting gawa.

Noong bata pa tayo at wala pang kamuwang-muwang sa mga kalokohan at kasamaan ng mundo, napakadali nating napapakinggan bulong ng puso na magmahal, makipag-bati, magsorry, magsabi ng please at thank you, at maging mabuting tao. Subalit sa ating pagtanda, atin nang tinuturuan ang puso natin ng sariling kagustuhan na dapat laging sundin at pakinggan. Magsinungaling kung kinakailangan.

Masaklap na bunga nito ang ating pagkakawatak-watak. Hindi maramdaman ang ating ugnayan dahil maraming ayaw nang magmahal, ayaw nang kilalanin bawat isa bilang kapatid at kapwa sa iisang Ama nating Diyos.

Ngayong ikalawang araw sa ating pagnonobena sa Sacred Heart, matuto tayong muli na manahimik at makinig sa tinig at pintig ng puso natin upang muli tayong makiniig sa Diyos na Ama natin. Kapag muli nating ninamnam ang katotohanang ito, mapagtatanto na rin natin ang ating kapatiran sa iisang Ama kay Kristong kapatid natin.

Sa ating panahong napaka-ingay at kay dami-daming nag-aagawan sa ating atensiyon upang pakinggan at sundin, marahil ay humihiyaw na nga itong puso natin ng pabulong dahil hirap na itong maiahon ang katotohanan ng pag-ibig na ating ibinaon. Pagmasdan paanong palaging kalakip ng debosyon sa Mahal na Puso ni Jesus ang pagtitika sa mga kasalanan at pagbabalik-loob sa Diyos at kapwa. Kasi nga, ang magkasala ay hayagang pagtanggi natin na magmahal. Iyon ang salita at pangungusap tuwina ng puso – magmahal, magmahal, at magmahal pa rin! Manalangin tayo:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,611 total views

 13,611 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,548 total views

 33,548 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,808 total views

 50,808 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,361 total views

 64,361 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 80,941 total views

 80,941 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,157 total views

 7,157 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

When name is the presence

 2,235 total views

 2,235 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 17 July 2025 Thursday, Fifteenth Week in Ordinary Time, Year I Exodus 3:13-20 <*(((>< +

Read More »

Simplicity of God. And Mary.

 2,725 total views

 2,725 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 16 July 2025 Wednesday, Memorial of Our Lady of Mount Carmel Exodus 3:13-20 ><}}}*> +

Read More »

Feeling God

 4,257 total views

 4,257 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 15 July 2025 Tuesday, Memorial of St. Bonaventure, Bishop & Doctor of the Church Exodus

Read More »

Come. Welcome.

 5,236 total views

 5,236 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 14 July 2025 Monday, Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest Exodus 1:8-14, 22 <*((((><

Read More »

Accompany me, Lord

 7,793 total views

 7,793 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 11 July 2025 Friday, Memorial of St. Benedict, Abbot, Fourteenth Week in Ordinary Time Genesis

Read More »

Praying to be better, not bitter

 7,118 total views

 7,118 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 10 July 2025 Thursday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 44:18-21,

Read More »

Praying for those “lost”

 8,147 total views

 8,147 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 09 July 2025 Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 41:55-57,

Read More »

Wrestling with God

 9,671 total views

 9,671 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 08 July 2025 Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 32:23-33

Read More »

If….

 9,733 total views

 9,733 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 07 July 2025 Monday in Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 28:10-22 <*((((><

Read More »
Scroll to Top