Pagsasaka sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,271 total reads

Alam natin na ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga pinakamahirap na sector sa ating bansa. Ayon nga sa opisyal na datos, 38.3% ang poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka. Nakakalungkot kapanalig, dahil marami sa ating mga kababayan ang kasapi ng sector na ito. Base sa January 2016 Labor Force Survey, ang agrikultura ang pangalawa sa pinakamalaking “employer” sa ating bansa. Mga 27% ng mga Pilipinong manggagawa ay nasa agricultural sector.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, maliit lamang ang kinikita ng ordinaryong magsasaka. Base mismo sa opisyal na datos, tinatayang mga Php156.8 lamang kada araw ang kanilang kita. Wala rin silang benepisyo, kapanalig, o social protection. Madalang sa mga magsasaka ang may insurance.

Mabagal din ang “growth” o pagsulong ng sector, kahit pa tinataas naman ang investments o pamumuhunan dito. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), noong 2015, gumastos ng Php114 billion ang pamahalaan para sa agrikultura. Mas mataas pa ito ng 32% kaysa sa investments sa sector noong 2014, pero hirap pa ring iangat sa kahirapan ang buhay ng mga magsasaka.

Maraming mga rason kung bakit patuloy na naghihirap ang sektor. Isa na rito, ayon sa PIDS, ang kakulangan natin sa kakayahan at kaalaman sa mga pagbabago at inobasyon. Hindi pa tayo nakakataas ng lebel mula sa ordinaryong pagsasaka tungo sa “agribusiness.” Marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, o di kaya, napapako sa iisang uri ng pananim. Marami pa rin ang hindi nagtatanim ng mga tinatawag na high value crops.

Hirap din naman kasi makakuha ng suporta mula sa gobyerno at pribadong sector ang mga magsasaka. Pagdating nga lang sa pautang, hindi pa nila maabot. Paano nga naman sila makakabili ng mga binhi o di kaya kagamitan?

Kulang din ang tinatawag na “rural infrastructure.” Ang farm to market roads natin kapanalig, kamusta na ba? Ang mga merkado natin, madali lang ba maabot ng mga magsasaka? Ang irigasyon ba sa ating mga sakahan ay sapat at “sustainable?”

Ito ay ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng agricultural sector, na sana ay mabigyan pansin ng ating bayan sa agarang panahon. Patuloy ang paghihirap ng marami nating mga kababayan kung hindi natin bibigyan ng sapat na atensyon ang ating mga sakahan.

Ang Populorum Progressio ay may hamon na tunay na angkop sa sitwasyon ng sektor ng agrikultura sa ating bansa: Ang kasalukuyang sitwasyon ay kailangan nating harapin ng buong tapang. Basagin natin at labanan ang mga inhustisya na kaugnay ng sitwasyon na ito. Kung nais nating sumulong, kailangan natin ng pagbabago at inobasyon. Ang reporma ay kailangang masakatuparan sa lalong madaling panahon (The present situation must be faced with courage and the injustices linked with it must be fought against and overcome. Development demands bold transformations, innovations that go deep. Urgent reforms should be undertaken without delay).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,801 total reads

 13,801 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,553 total reads

 48,553 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,035 total reads

 85,035 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,247 total reads

 103,247 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,857 total reads

 186,857 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,802 total reads

 13,802 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,554 total reads

 48,554 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,036 total reads

 85,036 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,248 total reads

 103,248 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top