Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,016 total reads

Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali.

Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term national at local elections…Kapanalig, isang bilyong piso..isang bilyong piso ang budget ng COMELEC sa pag-imprenta ng balota.

Ang suspension ng pag-imprenta ng balota ay pagsunod ng COMELEC sa inilabas ng Korte Suprema na temporary resytraining order (TRO) na pumipigil sa poll body na iimplementa o ipatupad ang desisyon (ruling) na nagdi-disqualify sa certificates of candidacy (COCs) ng limang indibidwal na tatakbo sa May 12, elections.

Bukod sa suspension ng printing of ballots, ipinag-utos din ng COMELEC ang pagpalit ng candidates data base, election management system (EMS), automated counting machine (ACM) at consolidation and canvassing system(CCS). Ipinag-utos din ang regeneration sa 1,667 ballot face templates, serialization at pagpalit nng numbering ng mga kandidato.. Kapalpakan…Aminado ang ahensiya na magastos at time consuming ang nangyari dahil sa kautusan ng korte suprema.

Sa kanilang en banc session, naglabas ng TRO ang Korte Suprema na pumipigil sa COMELEC na ideklarang nuisance candidate si Subair Guinthum Mustapha at Charles Savellano na tumatakbong Senador at Ilocos Sur 1st District Representative. Naglabas din ang SC ng TRO pabor kay Edgar Erice na dinis-kwalipika ng COMELEC sa pagtakbo bilang 2nd District Representative ng Caloocan City, gayundin si Florendo de Ramos Ritualo Jr., na kinansela ang COC para sa city council ng San Juan City.

Ibinasura ng Korte Suprema ang katwiran ng COMELEC na walang kakayahang pinansiyal ang nasabing mga kandidato kaya kinansela ang kanilang COC at idineklarang nuisance candidate.

Sinabi ng SC na binalewala at hindi iginalang ng COMELEC ang “bonafide intention” ng kandidato na tumakbo sa public office kahit walang kakayahan na magsagawa ng malawakang pangangampanya.

Simple lamang ang qualifications sa mga gustong tumakbo ng public office sa ilalim ng 1987 Philippine constitution at Omnibus Election code… natural born citizen of the Philippines, registered voter, able to read and write, least 40 years of age para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo, resident of the Philippines for at least 10 years immediately preceding the election. Ganito rin ang qualifications sa Senator, Representatives,Governors,vice-Governor, Sangguniang Panglungsod, mayor, vice-mayor,city councils.. Wala sa qualifications kung may pera ka o wala…may partido ka o wala.. Anong nangyari sa COMELEC, lahat ng mga commissioner dito ay pawang mga abogado… Pero pagdating sa partylist representative, nakakalusot ang mga partylist na wala namang nire-represent na marginalized sector..Walang sentido-komon.

Nakasaad sa Catechism of the Catholic Church na “it’s the duty of citizens to contribute along with the civil authorities to the good of society in a spirit of truth, justice, solidarity, and freedom.”
Sinasabi naman sa Evangelii Gaudium na “public service, when it seeks the common good, is a “lofty vocation.”

Sumainyo ang Katotohanan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,343 total reads

 4,343 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,558 total reads

 6,558 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,436 total reads

 6,436 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,913 total reads

 18,913 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,298 total reads

 68,298 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,388 total reads

 90,388 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,209 total reads

 190,209 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,453 total reads

 222,453 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaya na si Mary Jane

 18,914 total reads

 18,914 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 90,389 total reads

 90,389 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,210 total reads

 190,210 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »
Scroll to Top