Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsunod sa kalooban ng Ama ang susi upang mapabilang sa pamilya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 367 total views

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, kanino man ang ating sinusunod na kalooban ay dito tayo nagiging kasapi bilang pamilya.

“Iyong sinusunod ninyong kalooban, iyon ang pamilya ninyo! Iyong nagtutulak sa inyo, ‘lika mag-lasing tayo magdamag, magsugal, umo-o ka naman, iyan ang pamilya mo. Sasabihin sa’yo ng kabarkada mo, huwag tayong mag-aral mag-goodtime tayo meron naman tayong kodigo i-share ko sa yo sa exam, talaga sige!’ Yan ang pamilya mo,” bahagi ng homilya ni Cardinal Tagle.

Ang pahayag ni Cardinal Tagle ay kaugnay sa misa nobenaryo sa nakatakdang kapistahan ni St. Anthony de Padua na ipagdiriwang sa ika-13 ng Hunyo na ginanap sa St. Anthony Parish sa Singalong, Manila.

Ayon pa pagninilay ni Cardinal Tagle sa pagbasa sa araw na iyon, maganda ang plano ng Panginoon sa lahat, ang isang magandang pamilya na nagkakasundo at ito ay kung susundin ang kalooban ng Diyos.

“Meron nag-offer sa’yo ng deal, ‘sabihin mo di ba bawal ‘yan. Malakas ako kaya natin ‘yan. Yan ang pamilya mo! Ang apelyido ninyo ‘corrupt’. Sabi sa’yo ng boss mo, ‘Sige lapastanganin ‘yan, saktan ‘yan, pati rin ‘yan. Patayin ‘yan! Yan ang pamilya mo!’ Kasi iyong kalooban nila ang sinusunod,” bahagi ng homilya ni Cardinal.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle si San Antonio na sinunod ang kagustuhan ng Diyos na bagama’t bahagi na ng mga Agustino ay umanib sa mga Franciscan para magturo at nanatiling mapagkumbaba sa kabila ng kahusayan ay nanatili ang pagkalinga sa mga dukha.

Pinaalalahanan din ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kanilang pamilya hindi lamang pagbibigay ng kanilang pangangailangan kundi ang pagtuturo ng pakikinig sa Diyos, pagtupad sa kaniyang kalooban at katuwang sa pagbuo ng isang malaking pamilya ng Panginoon.

“Nabibitbit natin ang ating mga anak sa mall sa sinehan, sa kainan, bitbitin ang mga bata sa misa, sa bible study, sa katesismo sa pagtulong sa kapwa diyan gaganda ang pamilya. At palawakin natin ang pag-unawa sa pamilya hindi lamang dugo. Kahit hindi kadugo kung tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos kapatid natin siya, walang deskriminasyon, hindi dahil hindi ko yan kadugo, hindi ko na siya responsibilidad. Habang pinatatag ang ‘nuclear family’ binubuksan din ang pintuan ng pamilya para lahat ng kapwa ng tao ay kapamilya ko,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 44,971 total views

 44,971 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 47,181 total views

 47,181 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 120,560 total views

 120,560 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 133,253 total views

 133,253 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 159,452 total views

 159,452 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top