Pagsuspinde sa prelebihiyo ng mga bilanggo, tinutulan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total views

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi solusyon ang pagsuspinde o pagpapatigil sa mga pribilehiyo ng mga bilanggo sa patuloy na pagpasok ng droga sa mga bilangguan.

Pinayuhan ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng komisyon si BuCor Director Nicanor Faeldon na gamitin ang kanilang intelligence fund upang masawata ang iligal na gawain sa mga bilangguan.

Iginiit ni Diamante na dapat bigyang konsiderasyon ng BuCor ang kapamilya ng mga bilanggo na dumadalaw sa mga bilangguan na nagmula pa sa mga malalayong lugar .

“Hindi talaga solusyon yung pag-suspend ng privileges nung mga dalaw because it’s not going to solve anything, what is important is for Faeldon (BuCor Director General Nicanor Faeldon) to use yung kanyang intelligence fund to identify kung saan nanggagaling yung contraband, alleged contraband na pumapasok because if you suspend the privileges of the prisoners kawawa yung mga pamilya na dumadalaw especially very abrupt yung pag-suspend niya kasi there was not even a warning immediately sinuspend niya lahat…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Diamante na mahalaga ang dalaw para sa mga bilanggo na malaking tulong sa kanilang pagbabago at pagbabalik loob.

Naniniwala si Diamante na hindi matutukoy sa naturang pamamaraan ang tunay na dahilan o pinagmumulan ng mga kontrabandong nakakapasok sa mga bilangguan.

“Mahalaga yung dalaw sa mga inmates, pati yung pagpasok ng mga volunteers yung services practically isolating the entire colony from visitors and from their families which with not solve, what is unfortunate about it is it will not identify kung sino ang nagpapasok ng contraband, so mahalaga meron silang ibang pwedeng pamamaraan na yun nga gamitin nila yung intelligence fund na ang laki-laki…” Dagdag pa ni Diamante.

Kasunod ng kautusan ni BuCor Director Faeldon na suspendihin ang visiting privileges at recreational activities ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa buong bansa ay nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala lamang ang hakbang upang mabigyan ng panahon ang BuCor na makapagsagawa ng naaangkop na solusyon sa problema.

Batay sa tala, mahigit sa 45,000 ang bilang ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa bansa kung saan kinansela ang visiting privileges at recreational activities na kinabibilangan ng New Bilibid Prison, Correctional Institution for Women, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison.

Naunang umapela si Diocese of Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon – Chairman ng komisyon sa Bureau of Corrections na humanap ng ibang paraan na masolusyunan ang problema ng smuggling ng mga kontrabando sa mga bilangguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 10,531 total views

 10,531 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 85,145 total views

 85,145 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 165,224 total views

 165,224 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 208,363 total views

 208,363 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 208,815 total views

 208,815 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top