Pagsusulong ng DTI na gawing manufacturing hub ng e-cigarettes ang Pilipinas, kinontra ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,556 total views

Hindi dapat balewalain ang kalusugan ng mamamayan sa pagnanais na maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang paalala ni Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes sa pahayag ng Department of Trade and Industry kaugnay pagturing sa Pilipinas bilang manufacturing hub ng e-cigarettes at heated tobacco products.

Nangangamba ang mambabatas na tila binabalewala ng mga tagapamahala ng ekonomiya ng Pilipinas ang panganib sa kalusugan ng publiko tungo sa hangarin na pag-unlad o pakinabang sa ekonomiya.

“It is deeply concerning that our economic managers are seemingly disregarding the potential health risks of using e-cigarettes and HTPs (heated tobacco products) in favor of economic gain.” ayon kay Reyes.

Iginiit ng mambabatas na bagama’t ang mga produktong ito ay itinuturing na mas ligtas bilang alternatibo sa sigarilyo ay nagdudulot pa rin ng panganib sa kalusugan ng tao.

Sinabi pa ni Reyes na ang pahayag ng DTI ay taliwas din sa layunin ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na pangalaan ang mamamayan mula sa maaring panganib na dulot ng mga ganitong uri ng produkto.

Ayon sa 2021 Global State of Tobacco Harm Reduction may 82 milyon na ang gumagamit ng ‘vape’ kabilang na ang 2.7 milyon sa Pilipinas kung saan 11 porsiyento ng gumagamit ng e-cigarettes ay pawang nasa 14 na taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 48,366 total views

 48,366 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 76,371 total views

 76,371 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 94,171 total views

 94,171 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 92,089 total views

 92,089 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 200,880 total views

 200,880 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 4,696 total views

 4,696 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top