Pagtaas ng bilang ng mga Filipinong pro-divorce, higit pang dahilan para pigilang maisabatas ang ‘divorce bill’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Mas higit pa na dapat maging mapagbantay at tutulan na maisabatas ang diborsyo sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Sangguniang Layko ng Pilipinas, President Marita Wasan kaugnay na sa resulta ng ginawang pag-aaral ng Veritas Truth Survey hinggil sa pagpabor ng mas nakakaraming Filipino sa diborsyo.

Read: Pag-ibayuhin ang pagtuturo sa kahalagahan ng pag-aasawa

Sinabi pa ni Wasan na bagama’t wala pang divorce sa bansa ay may pamilya na ring naghihiwalay partikular na sa sektor ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Kaya’t ayon kay Wasan mas higit na dapat pagtuunan ang pagpapatatag ng kasal at pamilya sa halip na pagsusulong ng divorce na magbubukas ng pagkakataon sa marami na tuluyan nang wakasan ang maari pa sanang maayos na pagsasama.

“Strengthen the family and marriage kaya hindi dapat may divorce. Kaya dapat walang divorce,” ayon kay Wasan.

Ayon pa kay Wasan nanatiling ang kahirapan ang ugat ng paghihiwalay ng maraming pamilya dahil sa migration o pagtatrabaho ng ina o ama sa ibang lugar.

“Dapat ang mag-asawa may trabaho at hindi maghihirap. Kaya kung masu-sustain yun ng government so talagang pagpapalakas sa pamilya. Dapat hindi tayo nawawalan ng trabaho dito sa Pilipinas mismo para hindi naghihiwalay ang mga mag-anak. The father should not go to as OFW or the mother,” paliwanag ni Wasan.

Base sa tala may 11 milyon ang kabuuang OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo na ang karaniwang dahilan ay ang pagtataguyod sa pamilya dahil sa kawalan ng oportunidad sa ating bansa.

Sinabi ni Wasan sinabi may isang pag-aaral na nagsasabi na kahirapan ay nakakaapekto sa mga mag-asawa tungo sa paghihiwalay.

At ayon sa isang pag-aaral noong 2014 ni Vicente Fabella ng Jose Rizal University, isa sa bawat 4 may asawang OFW ay naghihiwalay habang dalawa sa limang anak ng mga OFW ay hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.

Maari ding maging dahilan ang impluwensya ng media kasama na dito ang social media at paggaya sa westernize culture.

Paliwanag ni Wasan base na rin sa resulta ng Veritas Truth Survey, malaking porsiyento ng mga pumabor sa diborsyo ay pawang nasa edad 13 hanggang 40 taon na kung susumahin ay may 77 percent na bahagi ng kabuuang 39 percent na pabor sa diborsyo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 55,320 total reads

 55,320 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 180,056 total reads

 180,056 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 265,423 total reads

 265,423 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 312,163 total reads

 312,163 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 360,029 total reads

 360,029 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 455,231 total reads

 455,231 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 55,321 total reads

 55,321 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top