Obispo ng Kidapawan, nanawagan ng ‘tigil putukan’ ngayong Holy Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Nanawagan nang ‘tigil putukan’ si Kidapawan, North Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ito ay upang maipagdiwang ng mamamayan nang tahimik at mapayapa ang holy week maging ng mga rebelde at ng mga sundalo.

“Nananawagan po tayo sa gobyerno at maging sa iba’t ibang rebeldeng grupo na magdeklara ng ceasefire. Ang dahilan po ay ang paggalang sa pananampalataya ng karamihan tungkol sa selebrasyon ng Semana Santa. Upang mabigyan po ng pagkakataon na gawin ang kanilang mga religious practices,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Ayon sa obispo, aktibo pa rin ang presensya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at ang military operations sa mga bayan ng Magpet; Arakan; Makilala at Antipas sa North Cotabato.

Umaasa din si Bishop Bagaforo na igagalang din maging ng mga hindi katoliko ang banal na pagdiriwang na pagkakataon ng marami na makapagnilay at makiisa sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

“Sana ang Semana Santa ay igalang natin bilang ‘expression of faith of our people’ gaya halimbawa ay igalang nila ang sanctity ng ating mga simbahan ng mga kapilya. Igalang nila ‘yung observance ng religious practices ng ating mga kababayan sa liblib na lugar na makapagdasal ng santo rosaryo, via crucis at makadalaw sa mga simbahan,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo sa pamahalaan para muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA at ng pamahalaan ng Pilipinas tungo sa inaasama na pagkakasundo at pagkakaisa sa bansa.

Ang CPP-NPA ay itinatag taong 1969 at base sa 2017 report ng Department of National Defense ang grupo ay mayroong 5,000 miyembro sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang pahayag ng Santo Papa Francisco sinabi nitong hindi ang digmaan ang tugon sa anumang hindi pagkakaunawaan kundi ang payapang pag-uusap lalut kamatayan at pagkasira ng lipunan ang dulot ng kaguluhan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,523 total reads

 54,523 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,714 total reads

 178,714 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,082 total reads

 264,082 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,823 total reads

 310,823 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,689 total reads

 358,689 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,972 total reads

 453,972 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,524 total reads

 54,524 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top