Senado ang magsasara ng pintuan sa panukalang divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Tanging sa Senado na lamang maaring umasa ang sambayanan para tuluyang maibasura ang panukalang Divorce Bill na nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nilinaw ni Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na sa simula pa lamang ay “done deal” na ang divorce bill sa Kamara de Representante matapos gamitin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang resources ng pamahalaan upang gipitin ang mga mambababatas at pumabor sa panukala.

“Sa kongreso lang naman wala na talaga tayong magagawa diyan, ang political climate dyan meron kang Speaker of the House na nagsusulong niyan at hawak hawak niya yung resources ng pamahalaan, tini-threathen niya yung mga Congressman. Nakikita naman natin na halos dalawa lang ang lumalaban para hindi maipasa yan they have the numbers, so i-give up na natin yan hindi na worth na makipag-patayan pa tayo diyan sa Kongreso. Ang labanan na lang nito meron pa namang Senado na ngayon malinaw na malinaw na mayroong mga Senador na tumututol…“ pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinimok ng pari ang sambayanan na manalangin at himukin ang mga Senador na huwag hayaang maisabatas ang Divorce Bill na magpapahina sa matatag na pamilyang Filipino na pundasyon ng ating bansa.

Hinamon din ni Father Secillano ang mga Obispo, pari, madre at mga laiko na pag-ibayuhin ang pagmumulat sa kamalayan ng taongbayan sa kagandahan ng pag-aasawa.

Nauna rito, inihayag ni Radio Veritas President Father Anton Pascual na isang hamon sa Simbahang Katolika ang resulta ng Veritas Truth Survey na marami sa mga Filipino ang pabor sa legalisasyon ng divorce sa bansa.

Read: Pag-ibayuhin ang pagtuturo sa kahalagahan ng pag-aasawa

Naunang hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na gumawa ng mga batas na makatutulog sa pagpapatatag ng pamilya at hindi para sa pagpapahina nito tulad ng Divorce.

Giit ng Obispo, hindi solusyon ang paghihiwalay o diborsyo sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa halip ay siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 53,689 total reads

 53,689 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 177,156 total reads

 177,156 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 262,524 total reads

 262,524 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 309,265 total reads

 309,265 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 357,131 total reads

 357,131 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 452,493 total reads

 452,493 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top