Pagtangkilik ng Sariling Atin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,446 total views

Ang mga lokal na negosyo ang isa sa mga pangunahing grupo na ginupo ng COVID-19 sa ating bansa. Halimbawa na lang sa manufacturing and services sector, kung saan napakaraming mga negosyo at pagawaan ang nagsara noong kasagsagan ng mga lockdowns. Ng matapos naman ang mga lockdowns, kailangang kumayod ng marami para maibangon ang sariling mga pamilya, ang kanilang mga negosyo, at para na rin maibangon ang industriya.

Kapanalig, kung titingnan ang mga datos at projections ng mga eksperto, maganda ang outlook recovery ng ating bansa. Inaasahan ngang lalago pa ng mahigit sa 6% ngayong 2022 ang ating ekonomiya. Kaya lamang, bago pa man natin maabot ito, marami-rami pa ang ating kailangan pagdaanan, lalo’t pa’t ang daming mga hamon sa loob at labas ng bansa ang nakakaapekto sa ating paglago.

Isa na rito ang giyera sa Ukraine, na nagtutulak ng pagtaas sa pandaigdigang presyo ng langis. At sa pagtaas ng langis, sunod sunod ng tumaas ang presyo ng mga bilihin sa bayan, habang status quo naman ang kita ng karamihan sa atin. Sumasabay din ang pagbaba ng halaga ng piso sa pagtaas naman ng presyo ng langis, na binibili natin gamit ang dolyar.

Dahil nga sa mga salik na ito, maraming mga negosyo, nasasakal ngayon, at mas nahihirapang bumangon mula sa pandemya. Ano ba ang magagawa natin upang mas matulungan natin makabangon ang mga lokal na negosyo? Isa sa mga kongkreto natin maaaring gawin upang pasiglahin ang mga lokal na negosyo ay ang pagtangkilik sa mga produktong gawa ng ating kapwa Filipino. Buy Lokal, mga kapanalig.

Kapag tayo ang pangunahing patron ng mga lokal na negosyo, masusuportahan natin ang mga domestically-produced manufactured goods, at mapapa-ikot natin ang pera sa loob ng ating mga komunidad, sa loob ng ating bayan.  Kapag ating tinatangkilik ang sariling atin, mapapasigla natin ang mga lokal na negosyo, na makakapagbigay ng mas maraming trabaho sa ating mga kababayan, na tutulong hindi lamang sa kanilang mga pamilya, kundi pati na rin sa ating ekonomiya.

Ang pagtangkilik ng sariling atin ay isang uri ng proteksyon na ating maibibigay sa ating bansa. Hindi lamang sa usaping pera ito, kapanalig. Usaping kultura din ito. Usaping common good din ito. Ang mabilis na modernisasyon at at daloy ng impormasyon sa ating  mundo ngayon ay maaaring lumusaw ng ating kultura. Sa pagtangkilik natin sa mga produktong gawa ng ating kababayan, ating napapag-patuloy ang kanilang pag-iral sa ating lipunan.

Si Pope Francis, sa kanyang pagpupulong sa mga Italian entrepreneurs noong nakaraang Marso ay nagsabi na hirap ang mga maliliit na entrepreneurs kaharapin ang mga “giant Goliath” sa merkado. Sinabi rin niya na mahirap para sa maliliit na negosyante ang magtagumpay at maglikha ng trabaho sa panahon ngayon. Kaya nga’t dapat tayo ay tumutok sa “common good” o kabutihan ng balana at titiyakin na ang ekonomiya ay rerespeto sa dignidad ng tao at kapaligiran. Kapag tayo ay naka-focus sa common good o kabutihan ng lahat, makikinabang ang lipunan at ekonomiya.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 44,641 total views

 44,641 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 50,770 total views

 50,770 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 80,912 total views

 80,912 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 100,378 total views

 100,378 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 119,093 total views

 119,093 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 44,642 total views

 44,642 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 50,771 total views

 50,771 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 80,913 total views

 80,913 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 100,379 total views

 100,379 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top