Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Homiliya ara sa Hwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-4 ng Mayo 2023, Juan 13:16-20

Isa sa mga bagay na kailangang harapin at tanggapin sa samahan ng mga alagad ni Kristo ay ang mga okasyon ng pagtatalo at di-pagkakaunawaan. Minsan kasi akala natin laging napaka-“ideal” ng pagsasama ng mga early Christian communities. Tipong niro-romanticize tuloy natin sila. Katulad ng description ni San Lukas sa Acts 2,42-47 at Acts 4,32-35. Ang mga alagad daw sa Jerusalem ay nagkakaisa ng puso’t diwa, kusa daw silang nagbabahaginan ng lahat ng meron sila para walang mapabayaan sa kanila. Totoo ba ito? Minsan oo, minsan hindi. Marami ding hinarap na aberya ang mga early Christian communities, katulad ng mga pagtatalo na humantong sa pagkakatatag ng ministry ng mga diyakono—para daw maging patas ang bahaginan nila dahil nga merong mga balo na napapabayaan sa kanilang komunidad. (Acts 6:1-7)

Si San Pablo nga hindi naman siya tanggap kaagad ng ilan sa mga apostol sa Jerusalem noong una. At si San Pedro, kahit pa siya ang pinili ni Hesus na mamuno sa kanila, minsan sinasapawan siya ng iba, katulad ni James na pinsan daw ni Hesus, na napaka-adelantado ang dating at medyo assertive ng kanyang otoridad. (Gal 2:11-14)

Kung uso na ang labeling noon, baka tinawag na “ultra-conservative” itong si James na kamaganak ni Hesus at “liberal” o “progressive” itong si Paul. Nagbabatuhan din sila ng batikos sa isa’t isa. At kung meron na sigurong social media noon, baka kung ano-ano rin ang pinagpo-post nila laban sa isa’t isa, tulad ng madalas mangyari ngayon.

Parang ganoon din ang dating ni Mark (a.ka. John Mark) sa ating first reading ngayon sa Acts of the Apostles. Narinig natin sa kuwento kung paano nauwi ang pagtatalo sa paglayas ni Markos sa mission team na pinamumunuan ng pinsan niyang si Barnabas (Acts 13:13). Sabi ni San Lukas, basta na lang sila iniwan na walang paalam sa may bayan ng Pamphylia. Saan ba siya nagpunta? Sa Jerusalem daw. Ang tanong ko ay, “Bakit sa Jerusalem siya tumuloy, gayong sa Antioch sa Syria doon sila nanggaling? Ah, ang suspetsa ko ay nagsumbong siya sa mga otoridad doon, siguro kina James at Peter.

Sa Gospel meron ding tension, tungkol naman kay Hudas Iskariote. Kasalo mo sa pagkain, pagkatapos siya pala ang mananaksak sa likod mo. Sabi nga ng kasabihang Pilipino, “Parang ahas na matapos mong pakainin, ikaw pala’y tutuklawin.” Sa buhay ni San Pablo, parang si Markos ang pumapel na Hudas noong una. Pero di tulad ng kuwento ni Hudas na matatapos sa trahedya, ang kuwento ni Markos ay sa happy ending matatapos. Bakit? Dahil nakialam si San Pedro. Namagitan siya.

Noong una, medyo trahedya ang dating ng kuwento. Nahati ang misyon, para bang nagsaulian ng kandila sina Paul at Barnabas dahil kay Mark. (Acts 15:37) Naghiwalay sila ng landas. Gusto kasing isamang muli ni Barnabas sa pangalawang misyon si Mark, pero umayaw si Paul. Ba’t daw ba isasama pa siya e nilaglag sila at nilayasan sa unang misyon? Naghiwalay tuloy ng misyon si Paul, naghanap ng ibang kasama. Ano ba ang nagpatindi sa tensyon na ito?

Ito ang isyu nila: kailangan bang maging Hudyo muna bago maging Kristiyano ang mga Hentil? Bibinyagan din ba ang mga hindi-Hudyo kung tanggapin din nila ang Mabuting Balita ni Kristo? (Acts 15) Ito ang isyu na pinagmulan ng pinakaunang matinding krisis na hinarap ng mga unang Kristiyano. At si Pedro ang namagitan.

Ayon sa kuwento, kinupkop ni Pedro si Mark, isinama sa misyon (1 Peter 5:13). Inilayo muna sa impluwensya ng mga ultra na tulad ni James. Nagsilbing parang referee si Peter. Kaya siya ang simbolo ng pagkakaisa sa Roman Catholic Church—ang luklukan ni San Pedro, ang tinatawag natin pontifex maximus: dakilang tagapamagitan (supreme bridge-builder).

Ganito ang iniimagine kong mensahe ni San Pedro nang mamagitan siya sa pagtatalo sa pagitan ng mga kakampi ni Paul at mga kakampi ni James (kasama na si Mark): “Mag-usap tayo. Makinig naman tayo sa isa’t isa. Huwag nating basta itapon o ilaglag ang isa’t isa. Makinig tayo sa Espiritu Santo para matuto tayong makilakbay sa isa’t isa. Tukuyin ang mga bagay na pwedeng pagkaisahan, respetuhin ang pagkakaiba, sa lahat ng pagkakataon, pag-ibig ang paghariin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 192,751 total reads

 192,751 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 263,112 total reads

 263,112 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 296,561 total reads

 296,561 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,861 total reads

 331,861 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 550,610 total reads

 550,610 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 17,059 total reads

 17,059 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 22,706 total reads

 22,706 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 21,968 total reads

 21,968 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top