VeritasPH

The Word, The Truth

Pagtatanggol sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Mga Kapanalig, naalala pa ba ninyo si Captain Manolo Ebora?

Siya ang Pilipinong kapitan ng isang oil tanker mula bansang Liberia at pag-aari ng isang kompanya sa bansang Greece na sinubukang harangin ng Chinese Coast Guard noong 2019 habang dumadaan malapit sa Scarborough (o Panatag) Shoal. Sinita siya ng Chinese Coast Guard at sinabihang mag-iba ng direksyon dahil ang lugar na iyon ay nasa ilalim daw hurisdiksyon ng China at hindi roon maaaring dumaan ang mga sasakyang pandagat ng sinumang dayuhan. Sinuway ni Captain Ebora ang utos ng Chinese Coast Guard at idinaan pa rin doon ang barko. Iginiit niya ang karapatan sa innocent passage o ang pagdaan sa katubigan ng ibang estado nang wala namang layuning manggulo o ilagay sa panganib ang seguridad ng bansang nakasasakop doon. Sinabi rin niyang ang Panatag Shoal ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pilipinas.

Pinuri noon ng hepe ng Philippine Coast Guard na si Commandant Vice Admiral Joel Garcia ang katapangan ni Captain Ebora, ngunit hindi rin niya itnangging ang ginawa ng kapitan ay maaaring magkaroon ng epekto sa kalakalan ng mga bansa. Hinangaan din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kapitan, at itinuring na bullying ang ginawa ng Chinese Coast Guard.

Salungat sa mga ito ang naging reaksyon ng Malacañang. Ayon sa noo’y Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi concern ng administrasyon ang nangyari kay Captain Ebora dahil hindi naman daw barko ng Pilipinas ang nasangkot. Kahit pa dalawang eksperto ang nagmungkahing maghain ang bansa ng diplomatic protest laban sa China upang mapanindigan ang “right to innocent passage”, hindi kumibo ang Malacañang.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin matapos ang dalawang taon, kung paniniwalaan natin ang impormasyong ipinakakalat ngayon sa social media ng mga masusugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte. Ayon sa kanila, pinuri at binigyang-pugay mismo ni Pangulong Duterte si Captain Ebora dahil sa kanyang katapangang harapin ang mga Tsino. Malinaw na fake news ito dahil walang natanggap na anumang suporta ang kapitan mula sa palasyo. Pakiramdam tuloy ng kapitan, ginagamit lamang siya upang pabanguhin ang imahe ng pangulo ngayong umuugong ang kanyang pagtakbo umano bilang bise presidente katambal ang kanyang anak. Ikinalungkot at ikinainis ito ni Captain Ebora. Ganito rin marahil ang mararamdaman ninyo kung kayo ang kapitan.

Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang mga nagpapakalat ng pekeng balita upang gamitin ang isang taong nanindigan para sa ating bayan upang iangat ang kanilang iniidolong hindi man lang umaalma sa lantarang panghihimasok ng mga dayuhan sa karagatang dapat pinagbabahaginan ng lahat? Nakalulungkot na may mga kababayan tayong sinasadyang baluktutin ang katotohanan at lokohin ang kanilang kapwa para sa kanilang agenda.

Sa okasyon ng World Communication Day noong 2018, sinabi ni Pope Francis na ikinababahala ng Simbahan ang pagkalat ng fake news. Nagsisimula raw ito sa pagmamataas at pagkamasarili na kung hahayaan nating umiral sa atin ay madaling mabaluktot ang ating kakayahang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ating kapwa. Ngunit kung mananatili tayong tapat sa Panginoon at sa Kanyang plano, ang komunikasyon sa ating kapwa ay nagiging mabisang pagpapahayag ng ating responsableng paghahanap ng katotohanan at paghahangad ng tunay na kabutihan.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang nasasaad sa Mga Kawikaan 12:19, “Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal.” Huwag nating hayaang magpatuloy ang paggamit sa mga katulad ni Captain Ebora ng iilan para sa kanilang pansarling interes at pagpapakalat ng kasinungalingan. Maliban sa gawing insprasyon ang kuwento ng paninindigan ni Captain Ebora, maging aral nawa sa atin ang karanasan niya bilang biktima ng fake news upang suriin ang impormasyong nababasa natin at upang ipagtanggol ang tama at totoo.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,634 total views

 13,634 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,619 total views

 21,619 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,155 total views

 29,155 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,140 total views

 45,140 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,184 total views

 53,184 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,635 total views

 13,635 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,620 total views

 21,620 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 29,156 total views

 29,156 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 45,141 total views

 45,141 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 53,185 total views

 53,185 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,135 total views

 46,135 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,560 total views

 44,560 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,346 total views

 46,346 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,271 total views

 43,271 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,585 total views

 57,585 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,275 total views

 61,275 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,878 total views

 59,878 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,865 total views

 69,865 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,833 total views

 73,833 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,720 total views

 84,720 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top