Bamboo plantation ng DENR, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bamboo plantation ng Department of Environment and Natural Resources sa Central Luzon na layong maisaayos ang mga kagubatan at tabing ilog sa rehiyon.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, bagong Central Luzon Regional Representative ng CBCP, malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng mga punong-kahoy sa tabing ilog tulad ng mga kawayan upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ilog.

“Yes, to rehabilitate our river banks is to plant more of mangroves and bamboos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Dagdag ni Bishop Santos na ang hakbang na ito ng pamahalaan ay magandang halimbawa upang patuloy na maipalaganap ang pangangalaga sa kalikasan na tiyak ring makatutulong para sa kaligtasan ng mamamayan.

Pagbabahagi pa ng Obispo na ang reclamation project din sa Manila Bay ay hindi makatutulong sa bansa dahil lalo lamang itong magdudulot ng panganib hindi lamang sa karagatan, kundi lalo na sa buhay ng mga tao.

“Land is our life. It is our livelihood. To protect and to preserve our lands are to protect our lives and loved ones,” ayon kay Bishop Santos.

Aabot sa mahigit 14,600-hectares na bamboo plantation ang itinayo ng DENR sa Central Luzon mula noong taong 2012 upang makatulong sa rehabilitasyon ng mga kagubatan, tabing ilog at Manila Bay.

Maliban sa pagiging epektibong gamit sa pagbuo ng mga gusali at iba pang kagamitan, malaki ang naitutulong ng kawayan upang maiwasan ang matinding sakuna tulad ng pagguho ng lupa.

Nakatutulong din itong mabawasan ang epekto ng climate change at pag-init ng temperatura ng mundo dahil sinisipsip nito ang carbon dioxide dulot ng polusyon, at naglalabas ng mataas na antas ng oxygen upang mapanitiling ligtas at malinis ang hangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 106,537 total reads

 106,537 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 244,782 total reads

 244,782 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 360,559 total reads

 360,559 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 476,656 total reads

 476,656 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,811 total reads

 243,811 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top