Pagtigil sa automatic increase ng sin tax, tinututulan ng A-E-R

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 803 total reads

Iginiit ng Action for Economic Reforms o A-E-R ang pagpapalakas at pagpapataas sa halaga ng sin tax bilang epektibong hakbang para mapababa ang pagkonsumo ng mga produktong may masamang epekto sa kalusugan at lipunan, kabilang ang vape, sigarilyo, alak at matatamis na inumin.

Ayon sa panayam kay Gage Andal, Research and Advocacy Officer ng A-E-R sa program Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas, ipinakita na ng mga nakalipas na polisiya na nakatutulong ang mas mataas na buwis sa pagbawas ng konsumo, ngunit kapansin-pansin ngayon ang muling pagdami ng mga umiinom, naninigarilyo at gumagamit ng vape.

Iginiit ni Andal na kapag itinigil ang automatic increase sa sin tax ay bumaba ang presyo ng mga produktong at maging abot-kaya, lalo na sa kabataan.

“Kapag itinigil ang automatic increase sa buwis, magmura po ang presyo ng vape at sigarilyo kaya mas magiging accessible po siya lalo na sa mga kabataan.”pahayag ni Andal

Iginiit naman ni Andal na hindi dapat gawing dahilan ang banta ng illicit trade para pahinain ang sin tax dahil batay sa mga pag-aaral na hindi mataas na tax rate ang pangunahing nagtutulak sa illicit trade, kundi ang kahinaan sa enforcement, border controls at local governance.

Sinasabi nga po ng iba na ang pagtaas nito ay magdudulot ng illicit trade, ngunit napakarami pong pag-aaral all around the world na nagpapakitang wala pong strong na correlation ang illicit trade at ang higher taxes. Makikita po natin na ang tax rate sa tabako ay pare-pareho buong bansa, ngunit ang illicit trade ay nangyayari lang po sa mga specific na lokasyon tulad ng General Santos at Zamboanga. Ibig sabihin, hindi po tax rate ang pangunahing nagdudulot nito, kung hindi ang kahinaan sa enforcement, border controls, at local governance. Kaya naman hindi po mutually exclusive ang sin taxes at enforcement, kundi dapat pareho po nating itong papalakas at pinagagawang mas epektibo pa,” bahagi pa ng panayam kay Andal.

Binigyang-diin ng A-E-R na ang kita mula sa sin tax ay inilalaan sa ilalim ng batas para sa Universal Health Care, kaya dapat itong protektahan at tiyaking napapakinabangan ng lahat, lalo na ng mahihirap.

Higit sa revenue generation, layunin ng sin tax na maprotektahan ang kalusugan ng publiko at maiwasan ang addiction at iba pang social at health costs na dulot ng mga produktong ito.

Sa Catechism of the Catholic Church, lubos na kinukundena ang mga sin products na katulad ng alak at sigarilyo dahil higit na pinapangalagaan at pinapahalagahan ng simbahang ang kasagraduhan ng buhay sinisira lamang ng pagbibisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 8,163 total reads

 8,163 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,651 total reads

 89,651 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 183,876 total reads

 183,876 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 244,366 total reads

 244,366 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 257,871 total reads

 257,871 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top