Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikinig at taimtim na pagninilay, pambihirang katangian ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 3 total views

Naniniwala si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization na malaki ang maitutulong ng mga nakalipas na karanasan sa pagmimisyon ni Pope Leo XIV sa kanyang paglilingkod bilang punong pastol ng Simbahang Katolika.

Sa naging panayam ni Cardinal Tagle sa Vatican News ay ibinahagi ng Cardinal na malaki ang maaring maitutulong ng pagiging lantad ni Pope Leo XIV sa tunay na sitwasyon sa lipunan bilang gabay sa kanyang pamumuno sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon sa Cardinal, mahalaga ang mga karanasan at pagiging mulat sa mga nagaganap sa lipunan ng mga lingkod ng Simbahan upang higit na maging epektibo sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

“Without denying the primacy of grace in the ministry of Pope Leo, I believe that his human, cultural, religious and missionary background will give a unique face to his ministry. But this is true of all Popes. The Petrine ministry of strengthening brothers and sisters in the faith in Jesus, the Son of the living God, remains the same—but each Pope lives and exercises it through his unique humanity. Pope Leo’s multi-continental and multi-cultural background will surely help him in his ministry and benefit the Church.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Vatican News.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle ang buong pagmamahal at pakikiisa ng mga Katoliko sa Asya na tuwinang buo ang pagsuportang ibinibigay sa bawat Santo Papa na nagsisilbing punong pastol ng Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ng Cardinal, ang Santo Papa ay hinahangaan at minamahal hindi lamang ng mga Katoliko kundi maging ng mga Kristiyano mula sa ibang denominasyon at iba pang mga relihiyon.

“The people of Asia love the Pope as Pope, whichever country he comes from. He is loved not only by Catholics, but also by other Christians and followers of non-Christian religions.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, batay sa kanyang pagkakakilala kay Pope Leo XIV noong ito ay Prior General pa ng Order of St. Augustine ay may pambihirang kapasidad ang bagong Santo Papa upang maging bukas sa pakikinig at taimtim na magnilay bago magdesisyon kaugnay sa mahahalagang bagay at usapin.

Pagbabahagi ng Cardinal una niyang nakilala si Pope Leo XIV sa Maynila at sa Roma hanggang sila ay maging magkatrabaho sa Roman Curia noong 2023.

“I first met Pope Leo XIV in Manila and in Rome when he was still the Prior General of the Order of St. Augustine. We worked together in the Roman Curia starting in 2023. He has a deep and patient capacity for listening and engages in careful study and reflection before making a decision. The Pope expresses his feelings and preferences without imposing them. He is intellectually and culturally well-prepared, but without showing off. In his relationships, Pope Leo brings a calm warmth, shaped by prayer and missionary experience.” Ayon pa kay Cardinal Tagle.

Kaugnay nito sa ginanap na Inauguration Mass para sa pagiging opisyal na ika-267 na Santo Papa ni Pope Leo XIV ay personal na inihandog ni Cardinal Tagle ang “Fisherman’s Ring” na simbolo ng otoridad at paghalili ni Pope Leo XIV kay San Pedro, ang unang Santo Papa at mangingisda mula Galilea na pinili ni Hesus upang pangunahan ang Simbahan.

Ipinagkaloob naman ni Cardinal Protodeacon Dominique Mamberti ang pallium, isang puting balabal na gawa sa lana na kumakatawan sa tungkulin ng Papa bilang Obispo ng Roma, habang pinamunuan naman ni Cardinal Fridolin Ambongo Besungu ng Kinshasa ang panalangin matapos ang paggawad ng pallium at bago ang pagbibigay ng singsing.

Sina Cardinal Tagle, Mamberti, at Ambongo ang nagsilbi ring mga kinatawan sa kontinente ng Asya, Europa, at Africa sa makasaysayang pagdiriwang sa pagsisimula ng pontipikado ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 4,082 total views

 4,082 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 39,255 total views

 39,255 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 46,696 total views

 46,696 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 48,011 total views

 48,011 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 60,462 total views

 60,462 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top