VeritasPH

The Word, The Truth

Pakinggan ang mga medical frontliners

SHARE THE TRUTH

 141 total views

Mga Kapanalig, sa pagpasok ng buwang ito, umabot na sa dalawang milyon ang mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang may mahigit 26,000 bagong kaso ang naitala sa loob lamang ng isang araw. Patuloy pa itong nadadagdagan, pati ang bilang ng mga nasasawi dulot ng delubyong ito. Sa kabila ng pagtindi ng ating laban sa COVID-19, patuloy naman ang tila pagsasantabi sa boses at halaga ng ating mga medical frontliners.

Nakita natin ito sa isang video ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Harry Roque. Ang video ay mula sa miting ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung saan tinututulan ng grupo ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, ang planong granular lockdowns ng pamahalaan. Sa video, galit na sinabi ni Secretary Roque na hindi lamang ang mga medical frontliners ang may pakialam sa kalusugan ng taumbayan. Para sa kanya, boses siya ng mga wala nang makain dahil sa mga lockdown. Kinuwestiyon din niya ang puro negatibong komento ng grupo nina Dr. Limpin sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Para kay Dr. Limpin, sinabi lamang niya sa miting ang malubhang estado ng healthcare system  sa bansa. Nanawagan siya para sa isang mapanuring hakbang sa pagtatalaga ng quarantine levels. Tanong pa ng doktor, kung kaya ni Secretary Roque na sermonan ang mga doktor, paano pa ang karaniwang tao? Humingi na ng paumanhin ang kalihim para sa kanyang iniasal pero hindi niya binawi ang masasakit niyang mga salita.

Sana ay hindi indikasyon ang inasal ni Secretary Roque ng pagpapahalaga ng ating pamahalaan sa ating medical frontliners. Una sa lahat, naroon si Dr. Limpin bilang isang eksperto bilang kinatawan ng mga totoong sundalo natin sa giyera laban sa COVID-19. Ngunit paano siya tinrato? Pangalawa, sa gitna ng mga balitang kailangan na raw mag-diaper nang ilang nars sa General Santos City para makatipid sa personal protective equipment, bakit patuloy ang tila pagtatakip ng administrasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa DOH? Kung nagamit lamang nang tama ang pondo ng ahensya, hindi tayo magkakaproblema sa supply ng PPE. Panghuli, maaaring ibalik kay Secretary Roque ang tanong niya kay Dr. Limpin: sa tingin ba niya ay walang pakialam ang mga medical frontliners sa dami ng nagugutom dahil sa lockdown? Hindi ba maisasalba lamang ang mga trabaho at mapapakain ang mga taong nagugutom kung maayos ang kanilang kalusugan at tuluyang matatapos ang pandemya?

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahang ang halaga ng paggawa ay batay sa dignidad ng gumagawa o ng taong nilikha ng Maykapal. Ang paggawa ay instrumento upang mabuhay o kumita ang tao nang makapag-ambag siya sa kanyang lipunang ginagalawan, at ito ang ginagawa ng ating mga medical frontliners. Sa tuwing isinasantabi ang boses ng mga manggagawa, nagiging hadlang ang lipunang ito sa pagsasakatuparan sa magandang plano ng Diyos sa paggawa ng tao.

Binibigyang-diin din ng mga turo ng Simbahan ang mahalagang tungkulin ng pamahalaan na tiyaking maayos ang kalagayan ng mga manggagawang katulad ng mga nagtatrabaho sa mga ospital. Kaya naman, hindi katanggap-tanggap ang pagsalitaan nang masakit ang ating mga medical frontliners. Sana ay pinakinggan ang kanilang mga hinaing at pinag-aralan ang kanilang mga mungkahi.

Mga Kapanalig,  nawa’y baunin ng ating mga opisyal sa pamahalaan ang paalala mula sa Santiago 1:19: “Ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit.” Sa nagpapatuloy na krisis sa pampublikong kalusugan, makinig tayo sa mga medical frontliners na patuloy na nagbabahagi ng kanilang panahon at lakas. Suporta ang kailangan nila, hindi galit at pambabastos.

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,324 total views

 6,324 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,860 total views

 13,860 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,846 total views

 29,846 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,891 total views

 37,891 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,971 total views

 42,971 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,325 total views

 6,325 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,861 total views

 13,861 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,847 total views

 29,847 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,892 total views

 37,892 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,972 total views

 42,972 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,380 total views

 43,380 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,166 total views

 45,166 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,091 total views

 42,091 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,405 total views

 56,405 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,095 total views

 60,095 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,698 total views

 58,698 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,685 total views

 68,685 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,653 total views

 72,653 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,540 total views

 83,540 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,979 total views

 95,979 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top