Pakinggan ang panaghoy ng mga,nagdurusa, panawagan ng Aid to the Church in Need

SHARE THE TRUTH

 857 total views

Ang mga Pilipinong Katoliko ay may pambihirang misyon na abutin ang mga nangangailangan lalo’t higit ang mga naisasantabi at nagdurusa sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Msgr. Pedro Gerardo O. Santos – Chief Operating Officer ng Aid to the Church in Need – Philippines sa naganap na thanksgiving mass para sa ika-anim na anibersaryo ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas.

Ayon sa Pari, isa ang Pilipinas sa 23 mga bansa sa daigdig na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.

“We are one of the 23 countries in the world that have been tasked and hold offices of Aid to the Church in Need, it is a wonderful occasion for us Filipino Catholics to be truly missionaries in our times to reach out beyond the borders and boundaries of our homes, parishes and dioceses.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Santos.

Sinabii ng Pari ang kahalagahan maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa mga nagaganap at pakinggan ang panaghoy ng kapwa lalo na ang mga nagdurusa at dumaranas ng pag-uusig dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

Paliwanag ni Msgr. Santos, hindi dapat na ipagsawalang bahala ng sinuman ang mga hinaing at panaghoy ng mga nangangailangan.

“Get to know what is happening in the world open your eyes, open your ears, listen to the cries of those who are suffering especially those who are undergoing difficulties in various countries in which Christianity is undergoing difficulties. The more we know, the more we are enlightened to pray. The more we know about persecution in the different churches not only the Catholic Church, the more we commit ourselves to help and to assist.” Dagdag pa ni Msgr. Santos.

Ayon sa Pari, ang Aid to the Church in Need ay maituturing na isang biyaya ng Panginoon upang magsilbing daluyan ng kanyang habag, awa at pagmamahal para sa mga dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng

“We thank God for the gift of the Aid to the Church in Need a pontifical foundation dedicated to pastoral charity, the foundation serves various projects above all project to assists Christians persecuted throughout the world.” Ayon kay Msgr. Santos.

Una ng inihayag ng United States Commission on International Religious Freedom na tinatayang aabot sa mahigit 30-bansa ang mayroong kaso ng persekusyon at karahasan na may kaugnayan sa pananampalataya at relihiyon.

Naitatag ang Aid to the Church in Need noong 1947 na kinilala bilang isang papal foundation noong 2011 na nagbibigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na Simbahan at Kristiyano sa mahigit 140 mga bansa sa buong daigdig na tinutulungan ng organisasyon sa pamamagitan ng nasa 6,000 proyekto kada taon.

Taong 2016 ng nagkaroon ng sanggay ang ACN sa Pilipinas na kabilang sa mahigit 20 mga bansa sa Europa, Amerika, Australia at Asia na naatasan na magkaroon ng tanggpan ng organisasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,818 total views

 14,818 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,338 total views

 32,338 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,914 total views

 85,914 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,151 total views

 103,151 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,640 total views

 117,640 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,171 total views

 22,171 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,820 total views

 24,820 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top