Pakinggan ang tinig ng Panginoon mula sa puso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananamampalataya sa ikatlong araw ng misa para sa nobenaryo ng kapistahan ni San Roque, sa San Roque de Manila Parish, Sta. Cruz Manila.

Ayon kay Kardinal Tagle, upang matularan ang ginawang paglilingkod ni San Roque sa mga tao ay kinakailangang matutunan ng tao na makinig sa tinig ng Panginoon mula sa kanilang puso.

Sinabi ng Kardinal na kapag nagmula sa puso ang pakikinig ng isang tao ay dito rin magmumula ang kanyang pagsunod at pagtugon sa mga loobin ng Diyos.

Paliwanag ni Kardinal Tagle, sa ganitong paraan ay nakikipagtipan ang tao sa Diyos at nagkakaroon ng mas malalim na relasyon ay Hesus.

“Ang kautusan ng Diyos hindi na N’ya isusulat sa papel na mababasa, hindi sa mga bato katulad nang binigay kay Moises, ang Kan’yang batas ilalagay na N’ya sa ating puso, upang doon sa ating kalooban, doon tayo makipagtipan sa Kan’ya. Mula sa puso doon natin mapapakinggan ang Kan’yang kagustuhan, at mula sa puso doon din tayo tutugon, aayon sa kalooban ng Diyos.” Pahayag ni Kardinal Tagle.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na mahalagang mabantayan ng tao ang kanyang puso upang matiyak na matutupad nito ang kan’yang tipan sa Panginoon.

Inihayag ng Kardinal na malimit na matukso ang puso ng tao kaya naman madalas nakalilimot sa pakikinig sa kan’yang puso kung saan nagsasalita ang Diyos.

Sinabi ni Cardinal Tagle na kung nakatatak na sa puso at kalooban ng bawat tao ang kanilang tipan sa Panginoon ay hindi ito magagapi ng anumang tukso o pang-aakit ng demonyo.

“Kapag nasa puso ang utos ng Diyos, kahit walang nakakakita, sa puso mo susunod tayo sa Diyos. Doon gusto ng Diyos na mapakinggan natin ang Kan’yang salita sa puso, at sa puso d’yan din tayo tutugon… Ang puso ba pinakikinggan ang Diyos? Kapag pinakikinggan ang Diyos, katipan natin si Hesus. Pero kapag ang puso hindi na ang Diyos ang pinakikinggan kundi ang sarili na lamang, ang tawag don, satanas.” Bahagi ng homiliya ng Kardinal.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Kardinal Tagle na mahalagang bantayan ng bawat tao ang kanilang puso gayundin ang puso ng kanilang kapwa dahil dito magmumula ang pakikipagtipan ng tao sa Diyos.

“Sa puso manggagaling ang ating pagbabago, ang ating pakikipagtipan sa Diyos, ang ating katapatan sa Kan’ya. Kaya alagaan po ang mga puso, at alagaan natin ang puso ng bawat isa, para ang puso natin ang pagmulan ng ating katapatan.” Dagdag pa ng Kardinal.

READ: Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle 3-day Nobenaryo para sa kapistahan ni San Roque sa San Roque De Manila Parish, Sta. Cruz, Manila

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 8,248 total reads

 8,248 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 39,521 total reads

 39,521 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 119,052 total reads

 119,052 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 213,278 total reads

 213,278 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 273,499 total reads

 273,499 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,996 total reads

 374,996 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top