Palakasin at pakinggan ang tinig ng mga batang babae

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total views

Mga Kapanalig, kayo po ba ay may kapatid, anak, pamangkin, o apong batang babae? Kayo po ba ay guro sa elementarya at may mga estudyanteng batang babae? O nagtatrabaho po ba kayo sa isang institusyong kumukupkop sa mga batang babaeng inulila ng kanilang mga magulang? Ngayon po ay ang araw nila.

Taun-taon, simula noong 2012, ang ika-11 ng Oktubre ay itinalaga bilang International Day of the Girl Child, ang Pandaigdigang Araw ng Batang Babae. Idineklara ito ng United Nations upang palawakin at palalimin ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga isyung kinakaharap ng mga babae kahit sa kanilang murang edad. Kasama rito ang diskriminasyon at pang-aabuso sa kanila ng mga nakatatanda, mga bagay na nakaugat sa mababang pagtingin ng marami sa mga babae sa lipunan. Ngayong taon, ang tema ay “Girl’s Progress = Goal’s Progress: What Counts for Girls”. Layunin ng pagdiriwang ngayong taon na himukin ang pamahalaan ng iba’t ibang bansa na kumalap ng datos na nakatuon sa kalagayan ng mga batang babae. Mahalaga ang mga datos at impormasyong ito sa paglikha ng mga patakaran at pagpapatupad ng mga programang angkop sa mga pangangailangan ng mga batang babae.

Maraming pagsubok ang kinakaharap ng mga batang babae sa kasalukuyang panahon. Sa kanyang apostolic exhortation na Amoris Laetitia, kinundena ni Pope Francis ang mga bagay na sumisira sa buhay ng mga bata, kabilang rito ang sekswal na pang-aabuso sa kanila. Dagdag pa niya, mas malaking iskandalo ang sekwal na pang-aabuso sa mga bata kung nagaganap ito sa mga lugar kung saan sila ay dapat na maging ligtas gaya ng kanilang tahanan, paaralan, pamayanan, at maging sa mga Christian institutions.

Gaya na lamang dito sa ating bansa. Noong 2011, ang ating Department of Social Welfare and Development o DSWD ay nakasagip ng 1,401 na bata mula sa sekswal na pang-aabuso. Lumitaw na halos 98 percent sa mga ito ay babae. Gayunman, wala tayong malinaw na datos tungkol sa mga batang babaeng biktima halimbawa ng human trafficking kung saan nire-recruit sila upang mamasukan bilang kasambahay, sapilitang pagtrabahuhin sa mga pagawaan, o kaya naman ay ilakong parang mga kalakal sa prostitusyon o pornograpiya. Dahil walang malinaw at maayos na datos at impormasyon tungkol sa mga batang babaeng nasasadlak sa ganitong mga sitwasyon, mistulang nawawalan sila ng boses at samakatuwid, walang nakaririnig sa kanilang mga hinaing. Ang nawawalang tinig na ito ang nais palakasin ng International Day of the Girl Child ngayong taon.

Kung inyong maaalala noong bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015, tinanong siya ng isang batang babae kung bakit hinahayaan ng Diyos na dumanas ang mga bata ng paghihirap at pagdurusa. Bakit nga ba, mga Kapanalig?

Inamin ng ating Santo Papa na mahirap sagutin ang malalim na tanong sa kanya. Ngunit kung makikinig tayo sa ating puso at hahayaan natin ang ating mga sariling lumuha at mahabag, tiyak na mauudyukan tayong kumilos upang maibsan ang paghihirap ng mga bata. Pag-ibig, ayon sa ating Santo Papa, ang kasagutan. Ngunit hindi lamang ito isang emosyon; ang tunay pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at mahihina, kabilang ang mga musmos, ay laging may kalakip na pagkilos at walang sawang pagtataya para sa kanilang kapakanan.

Mga Kapanalig, alalahanin natin ang mga batang babaeng nasa mahihirap na kalagayan. Ang pag-ibig sa kanila ay hindi natatapos sa pagkaawa sa kanila. Udyukan natin ang mga institusyon sa ating lipunan, sa pangunguna ng pamahalaan at gayundin ang Simbahan, na hanapin ang tinig ng mga batang babae. Simulan natin sa pag-alam sa bilang ng mga batang nangangailangan ng pagkalinga, at kapag nahanap na natin sila, pakinggan natin sila at samahan nating palakasin ang kanilang boses.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,044 total views

 31,044 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,126 total views

 64,126 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 92,477 total views

 92,477 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,208 total views

 160,208 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 181,172 total views

 181,172 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,045 total views

 31,045 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,127 total views

 64,127 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 92,478 total views

 92,478 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,209 total views

 160,209 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top