560 total views
Hinimok ng Department on Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng Tree Planting Activity sa kanilang Probinsya at sa bawat Barangay.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ay makatutulong ang lokal na pamahalaan sa pagbabagong isinusulong ng administrasyong Duterte.
Dagdag pa ng Kalihim, malaki rin ang maitutulong nito upang mabawasan ang epekto ng global warming.
“How can one be a partner for change? By planting a tree, making a change can be as simple and heroic as planting a tree that slows the effects of global warming,” pahayag ni Sec. Sueno.
Sa ilalim ng Republic Act 10176, o Arbor Day Act of 2012, at Expanded National Greening Program ng pamahalaan nasasaad na ang bawat probinsya at barangay ay kinakailangang mag-organisa ng isang araw na tree planting activity sa kanilang lugar.
Iginiit pa ng kalihim na dapat rin magkaroon ng sariling ordinansa ang mga barangay kung saan ipag-uutos na ang bawat bahay o gusali ay kinakailangang magtanim ng puno sa kanilang bakuran o paligid.
“The national government, with the help of all sectors of the society, is responsible in safeguarding the environment. The government and the community must unify their efforts and jointly work towards environment protection to be able to conserve biodiversity and to prevent environmental degradation,” dagdag ni Sec. Sueno.
Samantala, sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, inihayag nitong ang maliliit na pamamaraan tulad ng pagtatanim ng mga puno ay tanda ng pagmamahal ng tao na sa kalikasan na syang nagpapakita ng dignidad ng san nilikha.