Palawan, hindi dapat matulad sa Boracay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Hinimok ng Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang kanilang Sangguniang Bayan na patatagin ang batas sa kanilang komunidad na mangangalaga sa kalinisan sa isla ng Coron.

Ayon kay Father Ed Pariño, Social Action Director ng Diyosesis, kinakailangang maalarma na ang mga lokal na pamahalaan ng Coron at iba pang bahagi ng Palawan sa nangyayaring suliranin ngayon sa isla ng Boracay.

Iginiit ng Pari na dapat maagapan ang pagdami ng mga basura at pagdumi ng tubig dagat upang mapreserba ang mga naggagandahang isla sa Pilipinas at patuloy na magkaroon ng kabuhayan ang mga lokal na residente.

“Ang nakikita ko dito sa Sangguniang Bayan kasi dapat magpasa sila ng ordinansa, kasi talagang dapat silang maalarma kasi yung Boracay ay ano na [dumumi na]. Dito sa Coron sa totoo lang wala pa kong naririnig, hindi siya talaga ganoon ka ano [aktibo] pagdating sa environmental awareness.” pahayag ni Father Pariño.

Naniniwala din ang Pari na mahalaga sa pangangalaga sa kalikasan ang pagsasakripisyo ng mamamayan at ng lokal na pamahalaan.

Inihalimbawa pa ni Father Pariño ang paghihiwalay ng mga basura sa loob ng tahanan na siyang mabuting simula upang maipalaganap ang proper waste segregation at disposal.

Gayunman, sinabi ng Pari na mawawalan rin ito ng saysay kung wala namang kaakibat na ordinansa sa waste segregation at recycling ang mga munisipyo.

“Kaya yung homily ko ang sabi ko ay dahan-dahan, patience yung kinakailangan at sacrifice talaga yung segregation na dapat talaga ay comprehensive. Kung ginagawa sa mga household, dapat ay mayroong kaakibat itong ordinansa sa munisipyo na kung saan yung collection ng waste ay magkakahiwalay yung nabubulok sa hindi nabubulok at sa recyclable.”pahayag ng pari sa Radio Veritas

Matatandaang nitong Pebrero inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources na linisin o i-rehabilitate ang isla ng Boracay, matapos tumambad sa Pangulo ang maraming namuong coliform sa tubig dahil sa hindi maayos na waste disposal ng mga resort sa Boracay.

Lumabas naman sa ulat ng Environmental Management Bureau ng DENR sa Western Visayas, na ang antas ng coliform bacteria sa isang drainage outlet na diretso sa dagat sa bahagi ng Bulabog Beach sa Boracay ay umaabot na sa 47,460 most probable number (mpn) per 100 milimeter (ml), kung saan ang ligtas na antas na maaaring paliguan ng mga tao ay 1,000 mpn per 100ml lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,767 total reads

 43,767 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,131 total reads

 129,131 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,868 total reads

 175,868 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,740 total reads

 223,740 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 325,682 total reads

 325,682 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 43,410 total reads

 43,410 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,285 total reads

 36,285 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top