Pamahalaan, hinamon ng Caritas Philippines na makipagtulungan sa ICC probe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,691 total views

Nanawagan sa pamahalaan ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga human rights violation sa bansa partikular na ang naging marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pakikipagtulungan sa ICC ay hindi isang pagsuko o kahinaan sa bahagi ng pamahalaan sa halip ay isang ganap na pagpapamalas ng dedikasyon na isulong ang katotohanan at katarungan sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng madugong anti-drug campaign.

Partikular na nanawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas sa Senado at Kongreso gayundin sa puwersa ng pamahalaan upang makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng ICC sa bansa.

“We urge the government, the Senate, the House of Representatives, and the Philippine military to welcome the ICC and extend their full cooperation. This is not a sign of weakness, but a demonstration of our commitment to the rule of law and the Filipino people’s right to the truth.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ipinaliwanag ng Obispo na buo ang paninindigan at pakikiisa ng Simbahan sa paghahanap ng katarungan ng mga kapamilya at biktima ng War on Drugs upang tuluyang mapanagot ang lahat ng responsable sa pagkamatay ng libo-libong mamamayan.

“We stand with the victims and their families… The ICC investigation is not a witch hunt, but a crucial step towards ensuring justice and accountability for those responsible.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Umaapela naman si Caritas Philippines Executive Director Fr. Antonio Labiao, Jr. sa pamilya Duterte na maging bukas sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC upang mapatunayan na wala silang kinalaman o kasalanan sa mga human rights violation sa bansa.

Iginiit ng Pari na kung talagang inosente ang pamilya Duterte ay walang dapat na ikatakot ang mga ito sa imbestigasyon ng ICC sa halip ay dapat na makipagtulungan upang lumabas ang katotohanan at mabigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan sa lipunan.

“If the Dutertes, are truly confident in their innocence, they should have nothing to fear from the ICC. Why obstruct an investigation that seeks the truth? Why deny justice to the countless victims?” bahagi ng mensahe ni Fr. Labiao.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay mahigit sa 20,000 ang mga nasawi na malayo naman sa datos ng pamahalaan na tanging 6,200 lamang ang naitalang nasawi sa gitna ng police operations sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 22,166 total views

 22,166 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 72,180 total views

 72,180 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 68,049 total views

 68,049 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,899 total views

 103,899 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 111,328 total views

 111,328 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top