Pamahalaan, hinamon ng opisyal ng CBCP na isulong ang renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mag-isip ng mga konkretong solusyon na makakatulong sa pagpapanatili at pangangalaga ng kalikasan at buhay ng tao.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan, Northern Mindanao Regional Representative ng CBCP, ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang ‘mining ban’ sa bansa ay magdudulot sa tuluyang pagkasira ng natural na sistema ng kapaligiran.

Sinabi ng arsobispo na nauunawaan nito ang malaking pangangailangan ng ekonomiya ng bansa ngunit hindi ito nangangahulugang ipagsapalaran ang kapakanan ng kalikasan para lamang muling makamtan ang pag-unlad ng bansa.

“There is a need to really treat this with a balanced perspective and bias for the ecology,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiitc ng opisyal na marami pang mga alalahanin ang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan tulad ng pagsusulong sa ‘Renewable Energy’ na tinalakay sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP26 Summit noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Archbishop Cabantan na higit na makakatulong ang renewable energy sa pagkakaroon ng malinis na enerhiya sa bansa, gayundin ang malinis na hangin kumpara sa pagtatayo ng maraming coal-fired power plant na ang nilalabas na maitim at mapanganib na usok ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga tao.

“There are other concerns that we need to look into like our source of energy as discussed in COP26 Summit. We are still building more coal-fired power plants for instance, but is this really a solution? How we take care of the ecosystem will certainly impact our lives,” saad ng arsobispo.

Magugunita nitong Disyembre 2021 nang bawiin ng Administrasyong Duterte ang nationwide ban on open-pit mining na nagbunsod upang muling makapagsagawa ng operasyon ang mga mining companies sa bansa.

Kaugnay nito ay nanawagan din ang Alyansa Tigil Mina na ang pangyayaring ito nawa’y lalong mahikayat ang mga makakalikasan na piliin at iboto ang nararapat na kandidato ngayong Eleksyon 2022 na tunay na ipagtatanggol ang kalikasan laban sa patuloy na pagkasira.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,604 total reads

 59,604 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,653 total reads

 163,653 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,441 total reads

 200,441 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 231,016 total reads

 231,016 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,976 total reads

 276,976 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,529 total reads

 57,529 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top