Pamahalaan, hinimok na gawing organisado at maayos ang pagtugon sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

 359 total views

August 3, 2020, 9:14AM

Mahalaga na maging organisado at maayos ang pamamaraan ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Armin Luistro, FSC – President, De La Salle Philippines kaugnay sa patuloy na banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ayon kay Luistro, bagamat hindi maaaring i-asa ang lahat sa pamahalaan ay napakahalaga naman na maging organisado ang mga hakbang ng pamahalaan lalu ang pagtiyak na napupunta sa mga apektadong mamamayan ang pondong nakalaan.

“Hindi natin maaring iasa lahat sa gobyerno pero napakalaki ng maibibigay ng gobyerno kung maayos, organisado at saka hindi nawawala yung pera na iaambag, ayuda para sa ating mga kababayan…”pahayag ni Luistro sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak ni Luistro na bukas at handa ang Simbahan maging ang mga pribadong sektor upang makatulong at makatuwang ng pamahalaan para matugunan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

“Konting organisasyon lang naman yan, at kung kailangan ng tulong ng gobyerno humingi sa Simbahan, sa pribadong mga sektor maraming gustong tumulong.” Dagdag pa ni Luistro

Nilinaw naman ni Luistro na may maibabahagi ang bawat isa upang makatulong sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya kabilang na ang pagbabahagi ng pagkain at maging ng panahon para sa mga lubos na apektado ng krisis, gayundin ang pagkakaloob ng mapagkikitaan sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Iginiit din ni Luistro ang pagbibigay suporta at halaga sa mga frontliners at ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na patakaran at safety health protocol upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.

“Kung meron tayong maibibigay at maibabahagi na pagkain para sa iba, panahon na ito para magbahagi ng kaunti galing sa ating mesa, pangalawa kung makakapagbigay tayo ng kahit konting trabaho at pangatlo yung ating kalusugan sana suportahan natin lahat ang mga frontliners at saka tayo mismo ay sumunod doon sa mga patakaran na hindi magpapalala dito sa ating sitwasyon sa COVID-19…”panawagan ni Luistro.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 100,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Hunyo, lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority na umaabot na sa 7.3-milyong Filipino ang walang trabaho o unemployed na naitala noong Abril.

Nangangahulugan ito ng karagdagang 5-milyong indibidwal na walang trabaho.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,633 total views

 24,633 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,638 total views

 35,638 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,443 total views

 43,443 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,028 total views

 60,028 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,780 total views

 75,780 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 535 total views

 535 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 5,510 total views

 5,510 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top