Pamahalaan, hinimok ng Power for People Coalition na kumilos sa tumataas na presyo ng bilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Ipinaparating sa pamahalaan ng Power for People Coalition (P4P) ang mungkahi ng pagkakaroon ng mas matagalang solusyon sa suliranin ng patuloy na pag-taas sa presyo ng mga bilihin.

Ito ay kaugnay sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Inflation Rate Forecast para sa buwan ng Oktubre na maaring umabot sa pagitan ng 4.5% hanggang 5.3% kumpara noong Setyembre na naitala naman sa 4.8%.

Ayon sa Lead Convenor ng Grupo na si Gerry Arances, maari ding makatulong na hindi na dumipende pa ang pamahalaan sa pag-gamit ng mga ‘Coal’ at ‘Fossil Fuels’ .

“Alam na natin na magaganap ito so may kailangan talagang konkretong aksyon at siempre mga stratehikong aksyon, kasi itong pangyayari na ito ay hindi ito ngayon lang nangyayari, matagal na nating sinasabe na yung paano natin pinaplano yung buong power sector na masyadong dependent kumbaga sa pag-aangkat ng coal at ng gas ay talaga namang problema,” pahayag ni Arances Radio Veritas

Pinangangambahan rin ni Arances ang posibilidad ng pag-tataas ng langis at kuryente sa mga paparating na buwan dahil sa pagsisimula ng tag-lamig sa mga nangungunang bansa na gumagawa at komokunsumo ng mga produktong petrolyo at enerhiya.

“Ang isang importanteng konstekto nito ay papasok na ang winter ng Europa at Estados Unidos at yung mga nasa northern hemisphere at majority ng mga bansang yan ang heating system nila naka-depende talaga sa fossil gas so talagang ida-drive nito pataas ang demand ng gas,” ayon din kay Arances.

Kinundena ni Arances ang kakulangan ng aksyon mula sa DOE upang matiyak na magiging mababa ang singil sa kuryente ng mga nangungunang electric company sa bansa na patuloy paring pinahihirapan ang maraming consumers ng bansa higit na ngayong panahon kung saan nararanasan ang pandemya.

“Isang bagay lang yun transparency pagdating sa presyuhan, ang sinasabi natin mismo ay baguhin ang preference pagdating sa pricing dahil hindi yan maka-electric consumer, labag yan sa batas under, sa batas na meron tayo na dapat ang tinatamasang presyo ng mga electric consumers ay “least of” sapagkat hindi yan least of, sa totoong buhay ang pinakamahal na nagsusuplay ng kuryente sa bansa natin ay ang Coal at Fossil Gas,” pagpapaliwanag ni Arances.

Pinuri naman ng grupo ang pagtutuon ng gobyerno sa pagsusulong ng Solar Pannels na isang pamamaraan upang magkaroon ng malinis na enerhiya na makakabuti hindi lamang para sa kalikasan kungdi pati narin sa mga gagamit nito.

“Kung ma-aaccess yan ng mga ordinaryong mamamayan ng hindi ganun kabigat ay in 5 years time.. at the minimum in 2 years time bayad mo na yung solar pannel mo, the rest of the 18 years libre yung Mamamayang Pilipino na mag-harness nung kuryente mula sa bubong nila,” ayon pa kay Arances.

Una ng panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Laudato Si na iwaksi na ang paggamit sa fossil fuels at sa halip ay isulong ang renewable energy resources upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan at buong daigdig.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 441 total reads

 441 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 642 total reads

 642 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 11,186 total reads

 11,186 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 134,318 total reads

 134,318 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,682 total reads

 184,682 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,740 total reads

 311,740 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 396,765 total reads

 396,765 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 643 total reads

 643 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top