1,588 total views
Mariing kinundena ng Prelatura ng Batanes ang pamamaslang sa Kaychanarianan, Basco Batanes kamakailan.
Ayon kay Bishop Danilo Ulep nakababahala ang insidente lalo’t pinanatili sa lalawigan ang kapayapaan at pagkakaisa.
Binigyang diin ng obispo na walang puwang ang anumang uri ng karahasan sa lipunan lalo na sa komunidad ng Ivatan.
“As Ivatan, we are known for our values like protecting human life and are known as peace-loving citizens of our community. And such act does not speak well of who we are as a community and as a people,” ani Bishop Ulep.
Apela ni Bishop Ulep sa mamamayan na manatiling mapagmatyag at paigtingin ang pagpapahalaga sa buhay kasabay ng pagtaguyod sa karapatan at dignidad ng bawat tao.
Batay sa tala ng Philippine National Police Region 2 noong 2021 pinakamababa ang crime incidents sa Batanes kumpara sa ibang mga lalawigan.
Dalangin ni Bishop Ulep na makamtan ng biktima ang katarungan gayundin ang katatagan ng mga naiwang kaanak.
“As we pray for the victim for his eternal repose and his family who are now mourning and grieving, we also pray for the offender that he may be enlightened and be sorry for his sins and that justice will be served,” dagdag ng obispo.
Nanindigan ang simbahang katolika na dapat magkaisa ang pamayanan sa pagsusulong ng kapayapaan at labanan ang iba’t ibang uri ng karahasan lalo na ang pumipinsala sa buhay ng tao.