Pamaskong handog ng Simbahan sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isang thanksgiving mass para sa mga bilanggo ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa city sa ika-30 ng Disyembre 2017.

Ang thanksgiving mass ay isa ring biyaya at pamaskong handog ni Cardinal Tagle sa may 140-inmates na nagtapos sa “PaRelease Me program” ng Maximum Security Prison.

Nauna rito, umaapela sa pamahalaan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na pagkalooban ng executive clemency ang mga bilanggo ngayong pasko.

Ayon kay Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Emeritus Pedro Arigo, dating chairman ng kumisyon isang napapanahong pagkakataon ang kapaskuhan upang magkaloob ng executive clemency si Pangulong Rodrigo Roa Duterte partikular na sa mga matatanda at may mga sakit na mga bilanggo na nakapagsilbi na ng kanilang sintensya.

Dagdag pa ng Obispo ang kalayaang matatamo ng mga bilanggo mula sa ipagkakaloob na executive clemency ay hindi lamang isang magandang pamasko ng Pangulo sa mga bilanggong nagkasala sa lipunan kundi maging sa kanilang mga pamilya.

“In the spirit of Christmas nag-aappeal tayo sa administrasyon please naman, please ang dami dami talagang dapat bigyang ng executive clemency eh baka naman isang pirma lamang yan ay mabibigyan natin ng talagang happy merry Christmas ang mga tayong ito and even their family…” pahayag ni Bishop Pedro Arigo sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito noong ika-6 ng Marso ng kasalukuyang taon ay una nang ginawaran ng executive clemency ni Pangulong Duterte ang 27-matatanda at may mga sakit na bilanggo mula sa iba’t ibang bilangguan.

Ang 27 mga bilanggo na nagawaran ng executive clemency ay ang unang batch pa lamang ng inaasahang pagkakalooban ng naturang pardon mula sa 127 inmates na inirecomenda ng Board of Pardons and Parole sa ilalim ng Department of Justice.

Sa panlipunang turo ng Simbahan ang pasko ay sumisimbolo sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan nang kanyang ipag-adya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, dahil dito tinatawagan rin ang lahat na iparamdam sa kapwa ang pag-ibig, habag at maging awa at pagpapatawad ng Panginoon sa mga nagkasala.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,951 total reads

 8,951 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,644 total reads

 63,644 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,009 total reads

 149,009 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,746 total reads

 195,746 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,618 total reads

 243,618 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,439 total reads

 344,439 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top