Maging daluyan ng kagandahang loob ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total views

Maging salamin ng kabutihang loob ng Panginoon upang maranasan ang Pasko sa bawat araw.

Ito ang hamon sa mananampalataya ng pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang ni Hesus.

Dahil ang Pasko ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay ang patunay ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na maisilang si Hesukristo upang iligtas ang sambayanan mula sa pagkakasala.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa misa para sa pagdiriwang ng Solemnity of the Nativity of the Lord na ginanap sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila.

Ayon kay Cardinal Tagle, si Hesukristo ay isinilang sa sabsaban at nagtapos sa pamamagitan ng pagkakapako sa Krus at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang anak.

“Kaya ang Pasko ay pagbubukas ng loob ng Diyos, tayo na dapat balewalain na Niya, pinapasok tayo sa kaniyang loob. Sana tayo rin, buksan ang ating kalooban maging magandang loob din tayo.,’’ ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

Dahil dito, sinabi ng Cardinal na marapat lamang na ang bawat isa ay maging saksi sa kabutihan ng Panginoon na tulad ni Juan Bautista ay ibahagi rin ito sa ating kapwa.

“Ngayon po dumating na, tayo ngayon ang mga Juan Bautista sa mundo natin. Lahat po tayo lahat nagpapatotoo, sumaksi tayo na nagmagandang loob nga ang Diyos. At paano ‘yun, hindi lang sa salita sana makita ng mga tao sa atin sa gawa, sa ugali, sa pananalita, sa pakikipag-ugnayan makita sana ng mga tao ang kagandahang loob natin. At pag makita nila ‘yun, sana makita na nila ang kagandahang loob ng Diyos.
,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Dagdag pa niya; “Kung lalaganap lamang ang kagandahang loob araw-araw walang tao na magsasamantala sa kapwa. Walang mag-iisip na gamitin ang kapwa sa maling paraan kahit mapasama siya. Walang mandurugas, walang magsasamantala, walang dudurog sa kapwa. Baka darating ang panahon kapag may kagandahang loob, baka hindi na natin kailangan ang pulis, hindi na kailangan ang military kasi wala namang gagawa ng masama sa kapwa, dahil may kagandahang loob. E di araw-araw magiging Pasko lagi.
.”

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng may 800 batang may sakit na mula sa Missionaries of Charity Home of the Sick Children at mga pamilyang walang tahanan na sama-samang nagsalo-salo ng pagkain sa pagdiriwang ng paggunita ng kapanganakan ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,962 total views

 44,962 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,831 total views

 40,831 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,033 total views

 77,033 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,794 total views

 85,794 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,292 total views

 111,292 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top