Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin para sa ulan, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 1,002 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang buong Archdiocese of Manila na isama sa Panalangin ng Bayan sa bawat Misa na ipagkaloob ng Panginoon ang biyaya ng ulan na kinakailangan ng bansa sa gitna ng krisis sa kakulangan ng tubig.

Sa circular letter na nilagdaan ni Cardinal Tagle para sa mga Rector, Parish Priest, Chaplains, Religious Communities at Heads ng Secular Institutes ng Archdiocese of Manila ang paanyaya ng Cardinal na magkaisa sa pananalangin para sa ulan na kailangan na dulot ng tagtuyot.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, tanging ang Diyos ang makatutugon sa kinakaharap na krisis sa tubig ng bansa na tinukoy ng mga eksperto na mild El Niño sa pamamagitan ng pananalangin.

“We are currently facing a crisis in the water. Experts reported that we are experiencing a mild El Niño. People tasked with managing our water resources have warned that we faced a crisis in these areas. Our relief will come from nature. And so we implore the Master of all creation, God, Our Father, at whose command the winds and the seas obey, to send us rain,” ang bahagi ng Circular Letter ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Bahagi rin ng panalangin na matagpuan nawa sa Panginoon ng bawat isa ang ganap na pananagutan hindi lamang sa kapwa kundi maging sa kalikasan at lahat ng biyayang ipinagkatiwala ng Panginoon sa sanlibutan.

Kaakibat ng kautusan ang isang panalangin para sa ulan na babasahin sa Prayer of the Faithful sa pang-araw-araw na misa at sa misa ng linggo sa lahat ng parokya.

Hinimok din ni Cardinal Tagle ang lahat na gamitin ng tama ang tubig at kuryente upang hindi na makadagdag sa lumalalang problema.

Nanawagan naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na maging mahinahon sa gitna ng umiiral na kakulangan sa tubig sa bansa.

Bukod sa mga residente na naapektuhan ng kakulangan ng tubig sa malaking bahagi ng Luzon ay limang ospital sa Metro Manila kabilang ang Rizal Medical Center sa Pasig; National Center for Mental Health sa Mandaluyong; National Kidney and Transplant Institute; Philippine Children’s Medical Center at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.

Una na ring nanawagan ang Santo Papa Francisco sa mga mananampalataya hinggil sa kahalagahan ng malinis na tubig na kinakailangang pangalagaan ng bawat isa.

Ayon kay Pope Francis ang pagkakaroon ng tubig ay isang karapatan ng bawat tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 8,165 total views

 8,165 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 20,907 total views

 20,907 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 40,831 total views

 40,831 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 46,729 total views

 46,729 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 54,565 total views

 54,565 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 54,811 total views

 54,811 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top